Mabilis na lumipas ang isang buwan sa buhay naming mag-asawa, kung matatawag nga kaming mag-asawa ni Fritz. After that night when I almost beg for his love, ni minsan ay hindi pa kami nakakapag-usap ng matino or should I say...hindi naman talaga kami naguusap. Why? Dahil hindi naman siya umuuwi dito ng madalas. Kung umuwi man siya ay gabing gabi na, yung tipong tulog na ako. Hindi ko pa malalaman na umuwi siya kung hindi sa akin sinasabi ni manang. Buti na lang talaga at nagkaroon na ako ng kasama rito sa bahay niya. After one week mula nung kasal ay dumating si Manang Nena, siya nga pala yung yaya ni Fritz mula pagkabata. Siya na ang kasama ko araw araw at laging kakwentuhan. Mga kwento tungkol sa childhood ng asawa ko. "Manang umuwi po ba si Fritz?" Sa araw araw na ginawa ng Diyos ay