"WHAT? Nagawa sa iyo yun ni Fritz?" That's my cousin Blue na akala mo kami lang ang tao sa loob ng restaurant kung makasigaw. Niyaya ko kasi siyang magmall since nabuburo na ako sa bahay ni Fritz. Tutal hanggang ngayon eh hindi pa rin naman kami nag-uusap mula nung magkasakit siya. Ang kaibahan na lang ay nauwi na siya ngayon sa bahay pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Pinababayaan ko na lang na ganun siya sa akin as long as na umuuwi na ulit siya. Ginagawa ko pa rin naman ang duties ko as his wife, gaya ng pinagluluto ko siya, pero hindi ko pinaaalam na ako ang nagluluto ng mga kinakain niya. Kunwari si manang ang may gawa nung mga yun. I prepare his clothes kapag papasok siya sa office, mukha namang okay lang sa kaniya yun dahil sinusuot niya rin naman. Ang hindi lang nagbago ay an