Dalawang linggo na simula noong marinig ko ang asawa kong may kausap sa cellphone niya. Hindi rin naman ako nag-usisa about that. Ayokong masaktan kapag sinabi niya sa akin ang totoo. Hindi ko pa rin kasi matanggap na nagkikita at naguusap pa rin sila. Hindi ko rin alam ang gagawin ko kung sakaling makormpirma ko ang hinala sa aking utak, na anak nga nila ang kausap niyang bata. "Hoy bruha tulala ka na naman? Anyare sayo?" I'm with Adrien. Gusto nga rin sana sumama ni Blue pero hindi pwede kasi may lakad naman sila nila Jared. Niyaya ko si bakla na lumabas since nabobored ako sa bahay ni Fritz. Hindi ko na naman kasi napagkiki-kita ang asawa ko, he's busy working DAW. I don't know if that's true. Ayokong alamin. Lagpas isang buwan na rin naman akong nasa bahay niya, and of course kasama