Halos paliparin ko ang kotse ko papasok sa loob ng subdivision namin. Excited akong umuwi. Ilang araw ko na bang namimiss ang asawa ko? Bwisit kasing trabaho yan eh, ang dami dami. As much as I want to be with my wife all the time ay hindi naman maaari. I still have to work, I want the future of my family to be secured kahit ilang taon pa ang lumipas. Yung tipong di na sila maghihirap. Ipinark ko ang kotse ko sa garahe. Nagmamadali akong umibis ng sasakyan dahil gustong gusto ko na talaga siyang makita. Bukas lahat ng ilaw sa bahay, well Manang is back at sya pa nga ang nagbukas sa akin ng pinto. "Hello Manang, si Natalie po nasaan?" I really missed her badly. Iniisip ko pa lang ang kaniyang maamong mukha ay napapangiti na ako. Ganito yata talaga kapag mahal mo ang isang tao. Kahit wala