Kabanata 16 Napatanga si Alison sa tanong ni Blade sa kanya. Tama ba ang pagkakarinig niya, wife agad? Hindi ba pwedeng girlfriend muna? Napakabilis naman nito, pero natawa siya sa sarili. Mabilis pa pala yon ah, nakipags*x na nga siya dito kahit wala pang kung ano sa kanila. Yaya siya ng anak nito at Boss naman niya ito,yon lang ang relasyong meron sila pero ipinagkaloob na niya ang sarili dito. Tsaka bakit pa ba siya tatanggi ei gusto din naman talaga niya ang kanyang Boss medyo may kapormalan lang ito noon kaya dobleng ingat siya na hindi nito iyon mahalata. Tsaka napamahal na rin sa kanya si Alexa, itinuturing na niyang tunay niya itong anak kaya bakit pa siya tatanggi. Gayong maaalagaan na niya hanggang sa paglaki nito si Alexa. Isa pa natitiyak niyang hindi ito ang huling beses