Tamang-tama paglabas nila ni Alexa sa school nito nasa labas na rin si Blade naghihintay sa kanila. Half day lang ang pasok ni Alexa kaya talagang hinihintay na niya ito para hindi na siya mahirapan pa sa pagsundo dito. Kumaway ito sa kanila, malapad ang pagkakangiti habang nakasandal sa kotse nito. Napakagwapo talaga ng lalaki, hindi manlang sumagi sa isipan niya na magugustuhan siya nito. Malayong-malayo sa itsura nito ang ex niya. Hindi naman mahalaga sa kanya ang panlabas na anyo, bale bunos nalang ang pagiging pogi ni Blade pero ang nagustuhan talaga niya dito ay ang ugali nito. Unang-una masipag, maalalahanin batid kasi niyang hindi man nito pinaparamdam sa anak na mahal nito ito ei palagi naman nitong kinukumusta ang bata. Parati nitong inaalam ang tungkol sa anak nito at isa p