Chapter 20 Series 11: Tadeus Han PABAGSAK na umupo si Shan sa kaniyang kama matapos siyang ihatid ni Tad sa tapat ng hotel na tinutuluyan niya, mag-a-alas-Cinco na ng matapos ang pamamasyal nila ni Tad na hindi maiwasang matuwa ni Shan kahit papaano, dahil masasabi niyang okay naman na kasama si Tad. Kanina pa sinusuway ni Shan ang sarili na huwag masyadong matuwa sa mga ginagawa at pinapakita ni Tad sa kaniya pero nakakalusot pa din sa kaniya ang ganoong pakiramdam, lalo na at pakiramdam niya ay nakilala niya si Tad sa mga ikinuwento nito sa kaniya na muling dumaan sa kaniyang isipan ang mga napag-usapan nila kanina. *FLASHBACK* “Did you enjoy the food here?” ngiting tanong ni Tad kay Shan matapos ang pagkain nila sa isang kainan na pinagdalhan ni Tad sa kaniya. Akala ni Shan ay sa