Chapter 33 Series 11: Tadeus Han Sino ang lalakig ‘yun? Tanong ni Shan sa kaniyang sarili. Hindi maipaliwanag ni Shan kung anong kaba ang naramamdaman niya nang makita niya si YoRi, kakaibang presensya ang nakikita niya dito na hindi niya maipaliwanag kung bakit bigla siyang nabalisa lalo na sa mga malalamig na titig ni YoRi na parang binabasa ang buong pagkatao niya. Hindi inasahan ni Shan na may ganitong klaseng kaibigan si Tad na magbibigay ng balisa at kaba sa kaniya ng mga oras na ‘yun. At alam niyang hindi lang siya ang nakaramdaman ng hindi magandang presensya, alam niyang pati ang kambal ay kaprehas ng naramdaman niya sa kaibigan ni Tad na si YoRi. Tahimik lang si Shan sa kinauupuan nito habang dere-deretso lang si Shun sa pagmamaneho nito upang maghanap ng ibang restaurant na