Chapter 18 Series 11: Tadeus Han MALAKAS na nagpagulong si Shin sa lupa matapos ang malakas na sipa na binigay sa kaniya ni Shan, gulat ang bumabalot sa mukha ni Shin dahil sa pagsalubong na ginawa ni Shan sa kaniya ng makarating siya sa lugar na sinabi nito na kitaan nila. “A-Ate S-Shan, b-bakit?” nasasaktan at naguguluhang tanong ni Shin habang nakahawak ito sa sikmura niya at ngiwing nakaluhod lang sa lupa, habang masamang tingin ang pinupukol ni Shan sa kaniya. “Hindi ba at sinabi ko na huwag mong pakikielaman ang misyon ko! Bakit sumugod ka sa HIH para patayin ang isa sa mga doctor doon na hindi mo naman ginawa ng ayos! Bakit ka ba nangingielam ka Shin!”galit na sigaw ni Shan kay Shin na dahan-dahan na tumayo sa pagkakaluhod niya sa lupa. “P-Pero Ate Shan, hindi naman ako ang sum