Chapter 35 Series 11: Tadeus Han “What the fvck are you all doing in my firm?” Nakikita nina Tad ang pagtatanong sa mukha ni ToV ng makita sila nito pagkapasok nila sa firm nito, alam nilang hindi nito inaasahan ang pagpunta nila. Bahagyang napangisi si Tad dahil nakikita nilang magka-kaibigan ang sitwasyon na kinalalagyan ni ToV kasama ang babaeng mahal nito na si Karina at magulang ni ToV. Nakikita nila na na-bulls eye ng pana ni kupido ang puso ni ToV at masasabi ni Tad na sinusundan niya na ang yakap ng mga kaibigan niya na mababalilw na din sa pag-ibig. “Kuya Zandro chatted me that---“ “---namamanhikan ka na sa mga magulang mo at pinapakilala na si Karina. Supportive friends here, Valenzuela.”ngising pahayag na pagsingit ni Tad dahilan upang hindi matuloy ni Lu ang sasabihin nito