Chapter 31 Series 11: Tadeus Han DERETSO LANG si Tad na nakatingin sa kaharap niyang kalmadong kumakain sa harapan niya matapos dumating ang inorder nilang pagkain sa Chinese restaurant kung nasaan siya ngayon. Hindi parin alam ni Tad ang dahilan kung bakit pinaharang siya nito para lang makausap pero hindi naman ito nagsasalita ng dahilan kung bakit gusto siya nitong makita. Hindi niya ito kilala, at hindi niya maisip kung anong kailangan nito sa kaniya. Maliban sa pagpapakilala nito sa kaniya, wala na itong ibang sinabi sa kaniya. “Why don’t you eat?” punang kumento nito sa kaniya na seryosong tingin ang binibigay niya dito. “Mawalang galang na, Mr. Thompson or Supremo whoever you are, pero hindi ako sumunod sa tauhan niyo para samahan kayo sa pagkain niyo. Your minion blocked my pat