Chapter 37 Series 11: Tadeus Han INABOT NG madaling araw bago natapos ng tatlong cartier ni Valdemor ang paghahagupit sa likuran ng buong Phantoms at ng underboss ni Taz. Nakahandusay si Tad sa sahig habang ramdam na ramdam niya ang sakit, kirot at hapdi ng kaniyang likuran dahil sa mga hagupit natanggap niya. Naranasan niya ng mabugbog, mabaril, masaksak sa kaniyang katawan pero ibang sakit ang nararamdaman niya ngayon na kahit pamutla na ang mukha niya ay pilit niyang tinitiis ang sakit ng kaniyang likuran. Hindi lang siya ang nakahandusay sa sahig at napabagsak nalang sa sahig matapos makatanggap ng limang daan na hampas sa likuran, si Travis, Devin, at Sergio ay katulad niyang bumagsak sa sahig at kung paani nakikita ni Tad ang likuran nina Travis na puno ng sugat at dumudugo pa ay