Chapter 23 Series 11: Tadeus Han “Hindi ba at nag offer ka sa akin na pwede akong tumuloy sa bahay mo? I’m taking the offer, wala na akong pambayad sa hotel kaya napagdesisyunan kong dito na tumira sa bahay mo kasama ang kambal.” Nakatulala lang si Tad sa gulat sa sinabi ni Shan sa kaniya sa mga oras na ‘yun, hindi niya inasahan na sa pag-uwi niya sa bahay niya ay makikita niya doon si Shan, biglang kumabog sa kilig ang puso ni Tad sa isipin na para itong asawa niyang naghihintay sa pag-uwi niya. “Your face is turning into red, ayos ka lang Tadeo?” kunot noong tanong ni Shan dahil sa nakikita niyang pamumula ng mukha ni Tad na agad siyang tinalikuran dahil hinilamusan ng kamay nito ang mukha nito upang mawala ang pamumula. “Kung naiisip na namamalikmata ka, sad to say totoo ang nakiki