Chapter 2

2679 Words
Chapter 2 "Cut! Good job, Joyce!" masayang puri ng director kaya pilit ko iyong nginitian bago naglakad papunta sa taping chair na dala ko. Hindi pa ako nakakainom kahit tubig man lang agad nang nagsilapitan ang my stylist para ayusin ang mukha ko. "After this, we have a photoshoot in Makati, then you have a guesting, meet and greet and interview—" Pinutol ko ang pagsasalita ng PA. "Mga anong oras ako makakauwi?" Wala pa akong maayos tulog. Dalawang araw akong dilat. Five minutes lang ata ang pinakamatagal kong tulog, at sa loob ng van pa. "12 midnight po." I sighed and weakly rested my back on the backrest of the taping chair. Pinasadahan ko ng tingin ang magulong location namin. We are taping our new project, a new movie with my loveteam. It's a love story with a little bit mature content. Glen and I did a lot of kissing scenes before, but this one is a little bit far from those. This movie includes a bedscene. Not detailed, but still bed scene. It was my first time doing this kind of movie. "Joyce, are you ready?" I smiled and nodded kahit ayoko pa sana. Even though I am a star, I must follow. I need to follow. After the taping ay dumiretso kami sa photoshoot ko. Ni isang minuto ay wala akong tulog sa Van pero sanay na ata ang katawan ko sa mga ganito. "Joyce, umayos ka. I don't like your aura today," madiing sabi ng manager ko. "We'll talk after your works," he added, and I nodded again like a slave. Natapos ko lahat ng trabaho ko kahit pagod na pagod ako. Pagkapasok ko ng Van ay agad sumunod si Tenzy. Pinigilan ko ang antok ko kasi alam kong may sasabihin siya. He's a great manager, he put me into the top. May utang na loob ako sa kanya. Toxic, but I have nothing to do about that. "Ano 'tong nasagap kong balita na may plano ka daw mag-leave sa industry for good?! This is not just a chismis, Joyce! Nalaman ko sa isang talent manager! You have a lot of projects! Hindi pwede!" galit na sabi niya habang nanlalaki pa ang mga mata. Napasiksik ako ng bahagya sa upuan ko dahil sa nanlilisik niyang mga mata. May napagsabihan akong ibang kakilala na parang nawawalan na ako ng gana sa pag-arte. Hindi ko alam na makakaabot kay Tenzy. After a couple of seconds, I sighed. "I'm sorry," tanging nasabi ko nalang. "Make sure to do your best in everything that you do. Huwag mong sayangin ang narating mo! Just don't. And I'll arrange a dinner date for you and Glen. We need more publicity!" Nakatulala ako nang umalis siya sa Van ko. I am chained with my work. Wala akong magagawa. "Joyce," masayang bati ni Glen sabay akmang hahalik sa pisngi ko pero agad kong iniwas ang mukha ko para hindi matuloy. He just chuckled, so I rolled my eyes. "Stop Glen, walang camera. Hindi ko kailangan ng plastic," inis na sabi ko sabo pumasok sa dressing room ko. Love team is just a love team. We have been a love team for ten years now, but all I could feel for him is hatred. Hindi ko alam kung bakit sinasabi nila na maganda ang chemistry namin. He's a good actor but I don't like his attitude. He's kind of mayabang, and I don't like it. In fact, I hate it. In front of the camera, we are sweet, but behind it? We are nothing but just co-stars. Pagpasok ko ay naabutan ko si Bianca sa loob na nag-aayos ng sarili niya. Bahagya akong natigilan pero agad rin akong nagpatuloy sa paglakad at umupo sa katabi niyang upuan. She's busy doing her own makeup so I couldn't help but stare at her face in the mirror. Her nose and eyes are the same with the man I was with in Hong Kong. Girl version, but Bianca's features are a little bit softer. "Hey, tomboy? Sorry, not me," biglang sabi niya kaya agad akong natauhan saka siya inirapan. She laughed. "Joyce, come on. Don't stare at me like you wanna eat me. You are creeping me out," nakangiwing sabi niya kaya namula ang mukha ko. "I am not, mandiri ka," sabi ko nang makabawi. Tinawan niya lang ako saka inirapan. We are both dancing in the opening number of this noon time show of our network. Anniversary of the show so they invited the biggest stars just like us. At habang nandito kami ay nakapangalumbaba lang ako habang tinitingnan kung paano siya mag-ayos. "Stop staring! Damn, naninindig na ang balahibo ko!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Dirty minded. I'm just curious about how you put your makeup." Nginiwian niya ako bago kami lumabas ng sabay. Glen, my love team, and Kevin, her love team are already waiting for us outside. Ngumiti ako ng pilit saka dumikit kay Glen kasi may mga fans na dumaan. Bianca did the same to Kevin, but they were whispering on each other's ear like they found something funny. "You are beautiful," bulong rin sa akin ni Glen pero hindi ko na sinagot pa. "Dude, we'll go first," Paalam si Kevin bago hapitin sa baywang si Bianca at sabay silang pumasok sa studio. Glen tried to do the same to me, but I walked first before him. Sinubukan niya pa akong habulin at hawakan sa kamay pero winasiwas ko 'yon. "You are so difficult, Joyce," sabi niya pero binalewala ko lang. Apat kaming sumayaw para sa opening. "Gloyce forever! I love you!" I smiled at our fans and gave them a flying kiss. Mas lalo silang sumigaw kaya napatawa ako ng kaunti. And Glen did his move, he kissed me on my cheeks and I was shocked. Mas lalong nagwala ang mga fans kaya hindi ko nalang siya sinabihan kahit nagpupuyos na ako sa galit. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo wag mo akong basta-bastang hahalikan," madiing bulong ko kay Glen nang makapunta kami sa backstage. Pasuyo niyang hinagilap ang kamay ko pero hindi ko siya hinayaang mahawakan 'yon. "Joyce, come on, we already kissed." "For work!" Inis ko siyang iniwan doon saka bumalik sa dressing room namin. Naabutan ko doon si Kevin at Bianca na may pinapanood sa iPad. Padabog kong sinara ang pinto kaya napatalon silang dalawa. "Bad mood," Tukso si Kevin saka inakbayan si Bianca para ipagpatuloy ang panonood nila. Inirapan ko silang dalawa saka pabagsak na umupo sa upuan na para sa akin. Ilang sandali pa dumating ang PA ko dala-dala ang lunch. "I told you, Kev, I can't come with you. We have a family dinner tonight.Besides, my brothers are home. God! Mas busy pa sila sa akin! Minsan nalang kami magkita." Nabulunan ako sa narinig kaya agad akong binigyan ng tubig ni Aira na PA ko. "You okay, Joyce?" tanong ni Bianca kaya napangiwi ako bago tumango. "Aizen and Clark? Fine, next time then." Nanlaki ang mga mata ko at tuluyan ko ng tinigilan ang pagkain. The hot night we shared back in Hong Kong suddenly flashed in my mind. It's my first time so I really could not forget about it. Ilang araw na ang nakalipas pero hiyang hiya parin ako para sa sarili. Iniisip niya ba na pick up girl ako kasi ang dali kong makuha? Damn! I don't even know why! Hindi ko alam kong bakit ako nagpadala sa init ng katawan ko. He is so hot. Perfect God. Pero baka hindi na ako naaalala. It is just a one night stand, after all. Ang dami niya na sigurong naka-one night stand. And he just forgot about me. I hope he forgot, and our paths will never cross again because my embarrassment won't surely disappear. Wala akong mukhang maihaharap kung saka-sakali. "Shall we?" nakangising sabi ni Glen bago ako pagbuksan ng pintuan. I could hear the clicks of cameras around us, so I smiled sweetly before getting into his car. At saktong pagpasok ko ay doon rin ako nakatanggap ng mensahe galing kay Tenzy. Tenzy: Magpahatid ka kay Glen pag-uwi. We need more publicity for the upcoming movie. Napangiwi ako matapos mabasa ang message ni Tenzy. He just arranged everything for tonight, in a luxurious five-star restaurant. For publicity and for our fans to think that we have something real. Na hindi naman totoo. "You are beautiful, as always," Inirapan ko lang si Glen. Ang presko niya. That is what I hate about him. Parang ang taas-taas ng tingin niya sa sarili niya. I am also as high as him here in the Philippines, but I don't act that way. I am still stepping my feet on the ground. Kumuha ako ng stolen picture niya habang nagda-drive saka in-upload sa IG story ko. Ginagawa ko 'to para sa trabaho at wala ng iba pang dahilan. Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami. Pinagbuksan ako ni Glen ng pinto at agad bumungad sa akin ang maraming tao na nag-aabang. Tenzy did this, of course. Kumaway ako ng bahagya bago kumapit sa braso ni Glen kunwari at pumasok na sa loob. "This way, Ma'am and Sir," nakangiting sabi ng waiter sa amin. I am smiling from ear to ear like I am really happy to be in here. Hindi ako bumitaw kay Glen hanggang sa makarating kami sa table namin. Glen gave me a bouquet of flower, hindi ko lang alam kung si Tenzy pa rin ba ang nagprepare o sa kanya na pero wala na akong pakialam. After we ordered, he tried to ask me about something at tango lang ang sinasagot ko. Sa huli ay mukhang napansin niya na ayaw ko siyang kausapin kaya tumikhim nalang at tumahimik na. At kalaunan, sa biglaan kong pagtingin sa entrance ay agad nahagip ng mga mata ko si Bianca na nakangiti. Pero nanatili ang mga mata ko sa lalaki na nakasunod sa kaniya. Agad akong ginapangan ng kaba at hiya na gusto kong tumakbo paalis at magtago. His serious and cold face screams power. Parang model siya na naglalakad at hindi pinapansin ang mga napapalingon sa kanila. Nakakunot rin ng bahagya ang noo na parang may hindi nagugustuhan. Iiwas na sana ako ng tingin pero agad akong nakita ni Bianca. She waved at me and even walked towards us. Nanginginig ang mga binti kong tumayo saka nagbeso sa kaniya. Pilit kong tinatago ang nararamdaman ko ngayon pero ayaw sumunod ng katawan ko. "Didn't know that you're here. That explains why there's a lot of people outside," natatawang sabi niya kaya pilit akong ngumisi. "Joyce, dude," bati ni Clark na kasama rin nila. Ngumiti ako ng kaunti sa kanya at hindi na ako tumingin pa sa isang lalaking kasama nila. Sh*t Joyce! "Oh, I'm sure you haven't introduced to each other yet. This is Aizen, my brother. I know you already know Clark," biglang sabi ni Bianca at gusto ko siyang sabunutan dahil do'n. "Aiz, this is Glen and Joyce, you know them?" tanong ni Bianca sa katabi kaya pati ako napatingin sa kaniya. Agad nagtama ang mga mata namin kaya agad nanlaki ang mga mata ko sa kaba. "Not really," he coldly said while still staring at me. Coldly. "Hi, nice to meet you," sabi ni Glen sabay lahad ng kamay para sa shakehands. Ako ang nahiya para kay Glen nang hindi agad iyon tinanggap. I was expecting the same way kaya hindi na ako naghalad ng kamay para sa shake hands. "Aizen," hindi ko inaasang pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay. Napalunok ako. Tiningnan ko ang kamay niya bago inangat ang nanlalamig at nanginginig kong kamay para tanggapin 'yon. Napalunok ako ng bahagya niyang haplusin ang palad ko kaya agad kong kinuha ang kamay ko. Nanatiling malamig lang ang mga mata niya. The Aizen I met in Hong Kong is very different. The guy I had s*x with is so playful and cool. But now, he's so cold and authoritative. Parang iibang tao sila. His ember eyes are now full of coldness, and I don't even see a playful aura in his face. "I'll go first," malamig na sabi lang niya bago iwan doon ang mga kapatid niya na parang walang pakialam. Palihim ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa pumasok sa isang private room. And, after that, I licked my lips and turned to Bianca and Clark again. "He's being so rude again," inis na sabi ni Bianca kay Clark pero bahagya ring natawa. Natawa si Clark at tumango ulit sa akin. "Got to go. Our parents are already inside. Catch up soon," he said so I smiled and nodded. "Bye, enjoy," sabi rin ni Bianca at agad na rin kaming iniwan doon. Nanghihina akong napaupo saka bahagyang humawak sa dibdib ko na sobrang lakas ng t***k. I exhaled to relax my whole body, but I just couldn't. "Clark and Bianca are already rich before they enter the industry. Money can really buy everything. Plus the connections," nang-uumay na sambit ni Glen kalaunan kaya ang kaba ko napalitan ng inis. "Stop saying bullsh*ts. Bianca is good. She is really doing well, and Clark is the best in his field," sagot ko pero inismiran niya lang. "Tss Clark? He doesn't even know how to pose." Napairap ako. "Sinasabi mo ba 'yan dahil si Clark ang mas pinipili ng men's magazine kaysa sayo? And he got to enter international modeling now," I said, and he sighed. "Tss, as if. He can't act," inis na sabi niya. I rolled my eyes again. "Akala mo ang galing mo," bulong ko na hindi niya rinig. Nakatrabaho ko si Clark sa isang magazine cover noon. Ilang beses na kaya medyo close kami. And Bianca is her sister so we got to see each other during the after party or something. He's so good-looking, just like his brother, and he is doing well in his career. Model, highest paid model of the Philippines. International na rin. "Tss, they are just rich." "Billionaires," dabi ko kaya mas lalo lang siyang nainis. Sa kalagitnaan nang pagkain namin ay nagpaalam ako para pumunta sa restroom kasi nanginginig talaga ang kamay ko. Pagkaliko ko papunta sa girl's restroom ay parang gusto kong tumakbo pabalik dahil sa nakasalubong ko. The greek god, Aizen Santibañez, is standing right in front of me. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat pero agad ko ring inayos ang expression ko nang makitang nakatingin rin siya sa akin. "Excuse me," mahinang sabi ko sabay daan sa gilid niya. In that short time, I smell his manly scent. It's manly and luxurious perfume for men, and it's kinda addicting. Pagkapasok na pagkapasok ko ay gusto kong maghilamos pero nagpigil ako. I just talked to myself in the mirror before going out. "Oh d*mn!" gulat na sigaw ko nang makita siyang nakasandal sa pader sa harap ng pinto ng girl's rest room. Dahan-dahan siyang umayos ng tayo nang makita ako kaya agad na namang tumibok ng parang nababaliw ang puso ko. Hindi ko alam pero napatitig ako sa nakakahipnotismo niyang mga mata. "You forgot this," malamig na sabi niya bago pinakita ang isang kuwintas na pamilyar na pamilyar sa akin. My necklace. Nang-init ang buong mukha ko ng marealize kung bakit nasa kanya 'yon. Naiwan ko yata sa hotel room noong gabing may nangyari sa amin. "T-thank y-ou," utal kong sagot sabay kuha sa necklace ng mabilisan at halos liparin ko na para umalis lang doon. "Glen, let's go home, I am not feeling well," natatarantang aya ko kay Glen. "Ha? Hindi ka pa tapos kumain—" "Bahala, uuwi na ako," inis na sabi ko bago naunang maglakad. "Wait, Joyce—" Kabadong-kabado ako habang papalabas at gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nadapa sa sobrang panginginig ng binti ko. "s**t!" inis na mura ko. "What's your problem—" "I want to go home!" Nangunot ang noo niya pero hindi na nagsalita pa. "Joyce, you ruined the night." "As if you can't afford that, Glen. I am not feeling well, can't you understand?" "Fine," inis na sabi niya kaya umirap ako. Sh*t! This day is so hell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD