Huminga ako nang malalim at lumapit sa kanya. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin dahil para akong sinusunog ng kanyang mga titig. Nanunuot iyon sa aking balat at nakakapaso. “Ito na po ang schedule niyo ngayong araw, sir—” Hindi ko na nagawa pang ituloy ang aking sasabihin nang kaagad niyang hawakan ang aking braso. Sa sobrang pag-iwas ko sa kanya ay hindi ko namalayan na naririto na pala siya sa harapan ko. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at sinalubong ang galit niyang ekspresyon. “Why are you being so formal now, huh?!” giit niya. Bawat salita ay idinidiin niya. My body trembles. Not because of fear but the overwhelming pain. Ang sakit-sakit na hindi ko maaaring sabihin sa kanya ang lahat dahil alam ko. bago ko pa man masabi sa kanya ang sitwasyon ko at ng kapatid ko, maaaring napat