Tulala pa rin ako habang lumalapit si Hati sa kinaroroonan ko. Hinawakan niya ang dulo ng buhok ko at nilaro iyon. Nakita ko ang pagkurba ng isang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang aking ayos ngayong araw. “Because I missed you. We didn’t talk for how many days? Almost two days, right?” My heart pounded so hard that I wasn’t able to hear everything he’d said. There’s a lump in my throat, making it hard for me to talk. “B-Bakit may paper bag ng Hermes dito, sir? Ipapadala ko po ba ito kay Ma’am Averie?” Wala ako sa sarili ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nilingon ang malaking paper bag ng mahahaling brand. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko kahit na ang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa presensya niya. Kung saan nanggagaling ang pagbigat ay hindi ko rin matukoy. “W