Wala ako sa aking sarili nang makarating ako sa apartment. Ang balak pa nga’y mananatili muna siya rito kasama ako ngunit may tumawag sa kanya at kinakailangan niyang umalis. Humiga kaagad ako sa aking kama at tiningnan ko ang Cartier bracelet sa aking pulso. Nakasuot na ito sa akin ngayon. Isinuot ito ni Hati sa akin kanina. Iyon nga lamang, ang screwdriver na makakatanggal nito sa akin ay kinuha niya. Siya lamang daw ang may karapatang magtanggal nito sa akin. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan iyon. Sukat na sukat ito sa akin na akala mo ay idinisenyo talaga ang pulseras para sa aking pulsuhan. Siguro ay sa ilang beses niya nang nahawakan ang aking pulsuhan ay alam na niya ang sukat nito. Nagpagulong-gulong ako sa kama. Hindi ko mapigilang…kiligin. Napawi lamang ang s