Chapter 24 CAW

3024 Words

DAVE ARISTON POV KANINA pa mainit ang ulo ko dahil kanina pa hindi sumasagot sa tawag ko si Arriane. Narito kasi ako sa site ko sa Laguna, at tatlong araw na ako rito. May isang tauhan kasi akong nahulog sa ginagawa naming bahay at napuruhan ang ulo nito, kaya't hindi ko magawang makauwi sa Makati gustuhin ko man. Hindi ko puwedeng pabayaan ang mga tauhan ko dahil sila ang dahilan kung nasaan man ako ngayon. Kanina pa ako paikot-ikot sa site habang tinatawagan si Arriane pero wala itong sagot. Sa pang anim na dial ko na wala pa ring sagot mula kay Arriane ay gusto ko nang ihagis ang cellphone ko. Nanggigigil na isinuksok ko sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko. Naglalakad na ako pabalik sa isang tent nang mag-ring ang cellphone ko. Dali-dali ko namang kinuha iyon at saka sinagot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD