Chapter 11 CAW

3374 Words

Arriane's pov, - - Umuwi ako sa bahay namin dito sa Quiapo, miss ko na kasi ang pamilya ko. At dahil long weekend naman kaya balak kong mag-stay ng matagal dito sa bahay. Miss na miss ko na ring maka-bonding ang pamilya ko. Simula kasi ng magtrabaho ako sa DAM, ay halos weekend na lang kami nagkikita-kita. Mabuti na lang talaga at holiday, apat na araw rin akong makakapagpahinga sa trabaho at kay Sir Dave. Mas'yado kasing hassle kung mag-uuwian ako mula Makati to Quiapo. Mabuti sana kung walang traffic at ayos lang. Kaso mukhang mas matagal pa ang oras na ilalaan ko sa daan kaysa sa makasama ang pamilya ko. Ilang taon na rin akong nakatira sa isang apartment sa Makati, isang sakay lang ang layo niyon sa kumpanya na pinapasukan ko. Pinakamurang apartment na iyon, pero disente naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD