ARRIANE'S POV MATAPOS kong sagutin si Dave ay naging mas malambing na ito sa akin, minsan parang gusto ko na lang malunod kung paano ako nito itrato. Para akong prinsesa kapag kasama ito, the way he cares for me. Hindi ito pumapalya na sunduin at ihatid ako sa trabaho. Mas napapadalas na rin ang uwi ko sa pamilya ko dahil palagi nitong gustong makita ang Mama at mga kapatid ko. Tulad na lamang ngayon, narito kami sa bahay namin sa Quiapo dahil niyaya ako nitong dito mag-stay habang weekend at walang trabaho. Kasalukuyan akong narito sa kusina dahil nagluluto ako ng pananghalian habang si Dave naman ay masayang nakikipag kuwentuhan sa aking mga kapatid. Masaya akong makita na sobrang kasundo ng aking mga kapatid ang aking nobyo. "Mukhang masaya ang panganay ko ah." Bahagya pa ako na