Chapter 6

2071 Words
After ng pag-uusap namin ni Mr. Accardi, or Dia na prefer na siyang tawagin na gano’n, hindi na ako nakabalik sa balak kong pagtulog. Naging busy ako sa aking pagre-research on how to satisfy a man at tumigil lang ako nang mapansin kong madilim na. I look at my watch at lagpas 7PM na ng gabi. Kaya naman kumilos na ako para maghanda papunta sa aking trabaho. That guy is really weird, hindi ko alam kung anong iniisip niya. Hindi ko rin maintindihan kung sa lahat ng magagandang nasa paligid niya, and I am sure women throw themselves at him, bakit ako pa ang napagtripan niya? My scar waved off men, pero ito rin yata ang dahil kung bakit napansin ako ng isang Diamantino Accardi. He is really dangerous at ang lakas ng effect niya sa akin. Nakasuot pa lang siya ng mask, naglalaway na ako sa kanya, well, salivating down there and my body's reaction is just too crazy. Ni hindi pa niya ako hinahalikan at light touch pa lang ang ginagawa niya para akong teenager na malapit ng labasan. Anong mangyayari after ng pagpayag ko sa deal namin? Umalis na lang siya bigla nang pumayag ako, at wala siyang certain na sinabi na gagawin ko. He just wants me to be his woman at pag nagsawa na siya, at successful ako sa aking mga plano, goodbye na. First thing that I would never, ever do, is to develop feelings for him, or worse, fall in love with him, dahil alam ko na ako ang masasaktan. Well, at least magkakaroon ako ng experience na makasama ang isang lalake, kaysa naman mawala ako sa mundo na wala man lang karanasan. Wala pa akong naging boyfriend sa tanang buhay ko, sino ba naman ang magkakagusto sa isang babae na may malaking peklat sa mukha. At ano pa ang magiging reaction niya pag nakita niya ang buo kong katawan? I am a virgin, at nahihiya akong aminin ito sa kanya. Kaya siguro gano’n na lang ang effect ng simple niyang paghawak sa akin at sa paglapit niya. Malakas akong bumuntong hininga at winaglit ko muna ito sa aking isipan. Pag siya lagi ang naiisip ko baka hindi na ako makapagtrabaho ng mabuti. Paglabas ko ng apartment building umasa ako na may magarang sasakyan na nasa harap para ihatid ako, pero walang nandoon. Ewan ko ba, sa ginagawa kong toh, masayado na akong naga-assume. I went to my work with my normal routine, nilagay ko ang aking mga gamit sa aking locker at dumiretso ako sa bar. Agad akong sinalubong ni Sam at tinanong niya kung okay lang ako. “Of course I am, bakit naman hindi?” sagot ko sa kanya na natatawa pa. “I was just worried dahil pinatawag ka pala ng boss natin kagabi. Hindi ka ba pinagalitan dahil sa ginawa mo?” “Hindi noh! He just wanted a personal bar waitress, at wala akong ibang ginawa buong gabi kundi mag-serve ng drinks sa kanya. Nakita mo ba siya? He’s wearing a mask though kaya hindi ko alam kung ano talaga ang itsura niya.” “Well, hindi ko siya nakita dahil ang alam ko nag-stay lang siya sa VIP section kagabi. Kumusta naman? Anong personality niya?” napangiti naman ako dahil naalala ko ang kanyang itsura niya kagabi na muntik ng kamukha ni Joker except for wearing his mask. Sobrang lakas ng dating niya kagabi at walang pakundangan niyang pinutol ang daliri ng lalakeng nakaaway ko. I can’t find words kung paano ko ide-describe ang personality niya. Dia has this aura around him na mukha siyang easy to get all with person. He’s not the typical rich guy who is boosting his ego all the time o kaya naman masyadong serious and manipulative at the same time. It felt like, he’s just being him kaya siguro magaan agad ang pakiramdam ko sa kanya. “Hindi ko masabi, Sam, pero hindi naman siya strikto or mapagmataas na tao. I mean if he does, he wouldn’t hire me looking like this.” “Maybe kaya siya naka-mask dahil may insecurities din siyang tinatago. What do you think?” nagkibit balikat lang naman ako. “Well, at least may taong katulad niya na tumatanggap sa atin. Uhm, is he the type of guy that you will like?” “Bakit mo tinatanong? May gusto ka ba sa’kin?” pinitik niya ang aking noo at napaaray naman ako. “Kaya tayo nachi-chismis na may something, eh. Tsaka pwede ba, Hyacinth, I have a husband already. Hindi ko nga lang in-announce sa lahat dito sa club.” napatawa naman ako at humingi ng sorry sa kanya. Nagbibiro lang naman ako! Alam ko naman na may asawa siya, and they have been happy for five years, tsaka friends din kami ng husband niya. “I’m just curious, okay. Ni minsan kasi hindi ko pa nakikita na nagkainteres ka sa isang lalake.” “And you would think that Mr. Accardi is my type?” tinigil niya ang kanyang ginagawa at humarap siya sa akin. “You have a strong personality, hindi ka nagpapatalo, at tingin ko lang naman he can be the man that could tame you. Kaya lang, mas mabuti naman na hindi ka ma-involve sa kanya. Masyadong delikado ang mundong ginagalawan niya.” napakunot noo naman ako. “Bakit naman? And what do you mean by delikado? Dahil marami siyang kalaban sa business?” “Wala ka ba talagang alam sa kanya? You know what he does bukod sa pagiging club owner.” umiling lang naman ako. “He’s part of one of the most powerful houses in Italy, but he built his own name in this place. He’s the boss, the power, the connections and a whole lot of money comes from what he does.” lumapit siya sa akin. “Hyacinth, isa siyang mafia boss.” natigilan ako tapos ay kumurap. Ina-analyze ko pa kasi ang sinasabi niya, at hindi ko yata ito mapaniwalaan. Ibig bang sabihin niyan, nakipagkasundo ako sa isang mafia boss? “Why are you just telling me this now?” alala kong sabi sa kanya at nagtataka naman siyang tumingin sa akin. “Wala akong kaalam-alam na ganyan pala ang depth ng pagkadelikado ng ginagalawan niyang mundo. I thought he was dangerous dahil ruthless siya pagdating sa business!” “Oh? Bakit ganyan ka maka-react? May nangyari ba sa inyo?” natigilan ulit ako tapos ay umiwas ako ng tingin. “Wala! Ano namang mangyayari sa amin kung kakakilala pa lang namin kagabi.” magsasalita pa sana siya nang sawayin na kami ng manager, kaya tinuloy na namin ang aming ginagawa. Nang mag-open na ang bar, pinilit ko ang aking sarili na mag-focus sa aking trabaho kahit nawindang ako sa sinabi sa akin ni Sam kanina. I have a lot of questions at gusto ko sanang itanong mismo sa taong gumugulo sa isip ko ngayon. Naglalakbay ang aking mga mata sa buong club, umaasa na nandito siya. Pero ng itanong ko sa isa sa mga bouncers kung nandito na naman ang boss namin, sinabi niya na nag-out of the country ito kanina, at hindi nito alam kung kailan babalik. Nanlumo naman ako and throughout the night wala akong kagana-gana. Buti na lang tama ang mga binibigay kong mga drinks sa mga customers, kundi sermon ang abot ko sa manager namin. Takang–taka naman ang aking kaibigan sa pag-iiba ng kilos ko at sinabi ko na lang sa kanya na hindi ako nakatulog ng maayos dahil na rin sa renovations sa tinitirahan ko. After our shift, nagpaalam na kami at dumiretso na ako sa subway. Inis at parang betrayal ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nalaman ko. Isang mafia boss na matapos kung tanggapin ang kanyang offer ay bigla lang akong iniwan sa ere. I just feel so stupid right now at hindi ko man lang naisip na isa siyang mob boss or something. Wala naman kasing sapat na information tungkol sa kanya at kung meron man, wala namang kwenta! Anong gagawin ko na? Parang mas gumulo pa ang sitwasyon ko ngayon. I thought an opportunity has come for me, pero parang lumala pa! He came into my home, we ate lunch, he made me feel things, tapos umalis siya agad?! Who even does that? Pinaglalaruan lang yata ako ng lalakeng ‘yon! I am sure he’s laughing at me right now habang may kasama na siyang ibang mga babae! One week passed at hindi ko na nakita pa si Diamantino Accardi, hindi na siya pumunta sa nightclub, at hindi na siya nagparamdam sa akin. I was expecting a call man lang since nasa resume ko naman lahat ng information ko. Pero wala, it’s like he vanished, that asshole ghosted me after all ng sinabi niya sa akin. Ibibigay niya daw sa akin ang lahat? Walanghiya siya! Pag magpakita siya sa akin, I am going to cut his package! I will not let him fool me again! “Okay ka lang?” tanong sa akin ni Sam at tumingin naman ako sa kanya. “May nagawang kasalanan ba ang lime sayo na kanina mo pa pinanggigigilan na hiwain ang mga yan.” tumingin naman ako sa aking ginagawa, tapos ay huminga ako ng malalim. “Sorry, marami lang akong iniisip.” binitawan ko ang knife na kinuha naman niya. “Napansin ko lang, isang linggo ka ng bad mood and I am really curious kung ano bang nangyari sayo. After kong sabihin sayo na mafia boss ang may owner ng club, naging ganyan ka na.” napatawa naman ako ng konti, at sinimulan kong magpunas ng mga baso. “Did you like the strawberries?” tanong ko sa kanya dahil binigyan ko siya at tumango siya. “Look, Sam, I’m just really having a bad day this week at ayoko na itong pag-usapan pa. Lalo lang hindi gaganda ang mood ko. I just want to survive the rest of the night and pass out pag nakauwi na ko mamaya.” “Fine, Hindi na kita kukulitin…” sambit lang niya at hinayaan na niya ako. The bar was full nang mag-open ulit siya, at may waitress na nagsabi sa amin na may anak-mayaman daw na nagce-celebrate ng birthday nito sa VIP section. Naiinis nga siya dahil ang demanding at ang gulo ng grupo nila. Nang bumalik siya ulit, pinatatawag daw ako ng birthday celebrant dahil kilala niya raw ako. Pumayag naman ang manager na pumunta ako doon dahil mayaman daw na customer ito. Nang makarating ako sa kanilang table, natigilan ako nang makita ko ang kanilang grupo. This were the bullies when I was in high school na lagi akong tinutukso at pinagti-tripan. “Oh my gosh… Nandito ka nga!” sabi ng babae na matalik na kaibigan noon ng aking stepsister. “Ang valedictorian ng school, isang bar waitress na ngayon! Your sister was not kidding” natatawa nitong sabi at kumuha pa ito ng pictures sa kanyang phone. Lumapit naman ang isang lalake na kasama niya at matalim ko siyang tinignan nang hawakan nito ang aking scar sa mukha. “Kumusta ka na, Hyacinth? You still have this ugly scar on you.” pinalis ko naman ang kamay nito at ngumisi lang siya sa akin. “I thought this was a high end establishment kagaya ng naririnig namin. Bakit isang nakakadiring nilalang na katulad mo ang nagtatrabaho rito?” sabi na naman ng birthday celebrant na marami ng naiinom. Lumapit siya sa akin, at tinapunan ako ng cocktail na kanyang iniinom. Mahigpit ko namang hinawakan ang kanyang kamay na kinagulat niya lalo na ng pisilin ko ito. “What’s with all of you pouring drinks at me… Talagang pinatawag mo pa ako just for you to insult me all over again. Wala na ba kayong ibang alam gawin? Sabagay, with spoiled brats like you, umaasa lang naman kayo sa pera ng mga magulang niyo. At least I am working my ass off, hindi tulad niyo sa basura sa lipunan!” inis kong sabi. “Bitawan mo nga ang girlfriend ko!” asik na sabi ng di pamilyar na lalake. Malakas niya akong itinulak at nabitawan ko naman ang babae. “Don’t you dare lay your disgusting fingers on her, you monster!” akma niya akong sasampalin nang may kamay na pumigil rito. Lumingon naman ako at natigilan nang makita ko ang lalakeng inisip ko buong linggo at balak kong saktan pag nagkita kami ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD