CHAPTER - 2
" Saan ang lakad mo anak aba'y akala ko ba on vacation ka?" kunot ang noo na tanong ni Dennise Joyce sa kaisa - isa nilang anak na babae.
" I'm going to my twin brother's office mommy. " sagot ng dalaga na kahit nakapikit ang pintor na magguguhit sa kanya ay kayang-kaya dahil sa ngiting nakabalot sa kanyang mukha.
" Hmmm may resulta na ba ang ipinapagawa ng kambal mo anak aba'y himala yata't dadalawin mo siya?" tanong ng ginang o mas tamang panghuhuli nito sa anak.
" Si mommy talaga oo hindi pa rin kumukupas ang pagiging interviewer mo pero tama po kayo diyan and here's the envelope na naglalaman sa resulta ng ipinagawa ni kambal." nakatawang tugon ni Janelle.
" Oh nice to hear that anak, sigurado akong matutuwa si Nathaniel sa ibabalita mo. Sige na anak puntahan mo na siya." masaya ring sagot ng ginang.
Bilang ina ng mga anak niya na pare-parehas ng matagumpay sa mga napiling bokasyon sa buhay ay masaya at proud siya dahil kahit may mga pagsubok na dumarating sa kanila ay buo at matatag pa rin sila.
" Wanna come with me mommy?" bago lumabas ang dalaga ay tanong niya sa ina.
" Thank you anak pero huwag na may lakad din kami ng daddy ninyo. We'll going to your papa Terrence house baka ikaw anak gusto mong dumalo sa kaarawan mama Yana ninyo total invited naman tayong lahat." tugon at tanong ng ginang.
" Doon na lang ako didiretso after I'll finish to Nathaniel. Okey I'll go ahead mommy hug and kisses to daddy." akala mo naman ay matagal na matagal ng hindi nakita ang ama samantalang sabay-sabay pa silang nagdinner sa nakalipas na gabi.
" Okey I will anak but the party will be held in Ilocos Sur. Take care and don't be reckless okey? " sagot ng ginang o mas tamang sabihin na pahabol na ng ginang sa anak dahil nasa pintuan na ito.
Pero flying kiss at ngiti na lamang ang isinagot ng dalaga sa ina.
Finally!
After almost two months na sobrang busy ang binatang si Pierce Wesley, sa wakas nagkaroon din siya ng bakasyon.
"Congratulations captain Abrasado. I know you deserve to have this vacation. Alam nating lahat how you dedicated yourself to our work, so bilang pabuya ng ating departamento sa iyo ay may dalawang linggo kang bakasyon effective today." masayang balita ng opisyal sa binata.
" Is that real sir? I can't believe it." tuloy ay sagot ng binata.
" General ayaw naman yata ni Captain Abrasado ang magbakasyon bawiin na lang kaya natin." sabad ng nakatawang kapwa nila opisyal.
" Ako na lang sir kung ayaw niya aba'y bihira na ngang magkaroon ng bakasyon aba'y ayaw pa yata niya." kantiyaw pa ng isa.
Para namang natauhan ang binatang opisyal dahil sa pangangantiyaw ng mga katrabaho kaya naman ay napakamot siya sa ulo habang nagsasalita na para bang nasa bahay lamang siya dahil sa pagkamot sa ulo.
" Captain Guillermo, major Abalos aba'y dahil bihira nga tayong magkaroon ng bakasyon eh hindi na ako makapaniwala kaya iyun ang nasabi ko. Of course gusto ko ring magbakasyon." maluwag na rin ang ngiti ni Pierce habang nagsasalita.
" But..." pambibitin pa ng general.
Kaya naman silang nasa loob ng general's office ay animo'y nasa training dahil nag-isang linya na nga sila nag-isang dereksyon pa ang tingin nila at ito'y sa kanilang boss .
" Hey men why are you looking at me like that?" nakatawang tanong ng general although may hinala na ito kung ano ang dahilan ng mga ito.
" Sir naman papayagan mo na nga akong magbakasyon pero may kaakibat namang but, aba'y nasaan hustisiya ngayon sir kapag nagkataon?" tanong ni Pierce.
" Relax Captain Abrasado dahil matutuloy pa rin ang bakasyon mo but like what I've said kahit nasa bakasyon ka or anyone of you kung kailangan kayo ng departamento the law of protocols must be implemented duty first before anything else. Is that clear men?" paliwanag ng opisyal.
" Sir yes sir!" sagot nila pero ang boses ng excited na si Pierce ang nangingibabaw.
" Carry on men. Captain Abrasado you may go now I know that you want it too to unwind and besides your leave effective today." nakangiting aniya ng opisyal.
Kaya naman hindi nagsayang ng oras ang binata. Agad itong bumalik sa sariling opisina at inayos ang lahat ng gamit lalo at mawawala siya ng dalawang linggo kung papalarin.
" I'll go home in Mt Province. I miss my friends." aniya ng binata sa sarili pero hindi niya namalayang napalakas pala ang boses kaya naman kantiyaw ang inabot sa mga kakilala.
" Mga kaibigan mo ba sir o may nililigawan ka na doon aba'y lagi kung naririnig sa iyo ang lugar na iyan ah." kantiyaw ng isa niyang katrabaho na napadaan.
" Parehas lang sir dahil kung papalarin kaming magpang-abot ni attorney may liligawan na ako." wala sa loob na tugon ng binata at huli na para bawiin ito.
Kaya naman ay kantiyaw ang inabot niya sa mga ito lalo na ang joker sa grupo nila. But in his ( Pierce )mind ay talaga namang umaasa siya na nasa Baguio ang kaibigan niya na ilang araw na rin niyang hindi natawagan. At bago pa niya mapigilan ang sarili ay nakapagpadala na siya ng mensahe sa kambal ng kaibigan niya saka ibinulsa ang tawagan at ipinagpatuloy ang paglabas sa trabaho.
Samantalang halos umusok ang bumbunan ng dalagang si Nathalie Janelle ng nakatanggap ng mensahe at galing pa ito sa kinaiinisan niyang lalaki.
" Hello sweetheart I miss you." aniya ng mensahe.
" Kapag nasa harapan lang kitang lalaki ka naku! Huwag ako ang pinagluluko mo baka mata mo lang ang walang pasa pag tayo ang magpang-abot!" ngitngit na bulong ng dalaga saka padaskol na inilapag sa dash board ng sasakyan niya ang cellphone at muling itinuon ang atensiyon sa pagmamaneho.
Nang maalala ang pupuntahan niya ay muling lumitaw ang liwanag ng kanyang mukha kaya naman hindi na niya namalayang nasa harapan na siya ng engineering company ng pamilya Harden o ang ninuno nila na pinamumuan ng kuya Angelo at ang kambal niya sa kasalukuyan.
After sometimes after she parked properly her car, she headed to the office where her brother is busy drafting again an sketch. Then, nakaisip na naman siya ng kalokohan. Pumasok siya ng walang paalam saka nagsalita.
Matapos ang ilang araw na pagpapaimbistiga ni Nathalie Janelle sa lugar ng mga bagong kaibigan ng kambal niya ay nakuha na niya ang resulta nito. At dahil halos hindi sila magpang- abot sa kanilang tahanan dahil na rin sa kani kanilang trabaho ay sinadya na lamang niya ito sa opisina nito.
" Hmm mukhang super busy ka ah." pabungad na sabi ni NJ sa kambal na nakasubsob na naman ang atensiyon sa trabaho.
Sa gulat ay biglang tumayo ang binata at sinalubong ang kambal na talaga namang bigla na lamang pumasok na hindi man lang kumatok to warn him.
" Ikaw pala kambal. Pasok ka at maupo ka." aniya ng binata sa dalaga na iginagala ang paningin sa loob ng opisina niya.
" Mukhang may iba kang inaasahang buseta ah este bisita ah." taas kilay namang sagot ni NJ hanggang sa mapadako ang paningin sa bagong draft niya.
" Wala naman kambal hindi ko lang inaasahan na bisitahin mo ako. Anyway maganda ba?" tugon ng binata na tinutukoy ang pinakatitigan nito na draft niya.
" Hmmm maganda siya kambal. Lalo na kapag matapos mo na iyan. May dadaluhan ka bang contest abah kambal talo mo na yata ang lahat ng pintor diyan ah. O baka naman may pangarap kang manirahan sa isang isla? " aniya ni NJ.
" Kung may mabibili nga lang sana akong isla for my own why not kambal pero sa tanong mong may dadaluhan akong contest ay wala. Kilala mo naman akong ang pagguguhit ang libangan ko lalo na kapag umaatake ang boredom." tugon ng binata dito.
" Ano? Ano kamo kambal nabobored ka pa? Aba'y baka ma over fatigue ka na niyan ha. Sa dinami-dami ng ginagawa mo araw-araw nabobored ka pa ba? Ano iyan nagpapakahirap ka na ba?" ang abogada nga naman ginawang courtroom ang opisina ng kambal.
" Hindi naman sa gano'n kambal. You know me as well kahit gaano man ako kabusy sa trabaho ay may oras pa rin ako sa pagguguhit kaya naman nothing to worry. " sagot ng binata saka inayang maupo ang panauhin.
" Have a seat kambal." aniya niya dito.
As a lawyer she's always having the composure. She's chin up kaya't lumakad siya na animo'y nasa korte at naupo sa visitors chair sa mismong harap ng lamesa ng kambal nito at nag cross legs.
" Wala ka bang balak itanong kung ano ang sadya ko sa iyo?" as usual nakataas ang kilay na aniya nito.
" Ano nga ba kambal? Don't tell me na magpapadeliver ka ng foods natin eh maaga pa for lunch and besides may canteen naman ang kumpanya." nakangiting tugon ng binata.
" Dapat lang na e treat mo ako sa London dahil diyan. Pero huwag muna ngayon dahil birthday daw pala ni mama Yana at dadalo tayo." pabiro namang tugon ng dalagang abogada sabay lapag sa isang brown envelope.
Hindi na pinatulan ni NC ang pagbibiro ng kambal bagkos ay binuksan niya ang envelope na iniabot nito.
" YES! I love you kambal! Kaya nga love na love kita eh ang bilis mong magtrabaho." tuwang-tuwa na aniya ni NC ng mabasa ang resulta ng ipinakisuyo niya sa kambal niya.
" Tse! Saka mo lang maalala ang salitang love kapag may kailangan ka noh! Ni hindi mo pa nga ako inaalok na magkape o mag tea man lang eh." irap naman ng dalaga dito pero nakangiti naman.
" Kahit hindi ko man sabihin iyan sa iyo daily everyday I love you naman kambal. At isa pa alam ko namang tapos ka na eh. Pero seriously speaking kambal thank you so much. Hayaan mo kapag ikaw ang ikakasal lalo na kapag kay Pierce libre ang kasal mo ako pa ang magpapagawa ng bahay mo." hindi mapuknat puknat ang ngiti sa labi na aniya ng binata pero umasim lang ang mukha nito na siyang pinagtaka niya.
" Watch your language Mr De Luna! Diyan ka na nga bago pa masira ang araw ko!" lukot ang mukha na aniya ng dalaga at nagmartsa ng palabas pero bago nito pinihit ang seradura ay muli itong bumaling sa kanya. Nakalimutan na rin nito ang bilin ng magulang na sabihan ang kambal niya na dadalo sila sa kaarawan ng asawa ng papa Terrence nila.
" Nathaniel Craig ito ang sabihin mo sa satanas mong kaibigan ha magunaw man ang mundo hindi ko siya pagtutuunan ng pansin at sabihin mo sa kanya umuwi na siya sa amo niyang si Lucifer." ngitngit na aniya nito bago ibinalibag ang pinto na halos mahulog ang mga decorations ng opisina niya.
" Kaya naman pala biglang nag iba ang mode ng babaing iyun dahil kay pareng Pierce. Pero ano na naman ang pinagbangayan ng mga ito?" kibit balikat na aniya ni NC bago muling naupo sa swivel chair niya at ipinagpatuloy na pinag aralan ang dala ng kambal niya na papeles.
Kaya't imbes na makipagkulitan pa ang dalaga sa kambal niya at ayain itong sumunod sa Ilocos Sur ay hindi na dahil muling sumagi sa isipan niya ang lalaking kinaiinisan.
" Buwisit talaga ang kuwagong iyun eh! Nakakasira ng araw! Pati ba naman ang kapatid ko'y nademonyo na niya. What a mess!" gigil na gigil ang dalaga dahil sa binata.
Kaya naman dahil sa pagngingitngit niya'y hindi na niya napansin ang taong nakasalubong niya. Huli na para umiwas.
" Sorry miss hindi ko sinasadya. I'm in hurry." agad namang hinging paumanhin ng lalaki saka inilahad ang palad sa kanya.
Tinanggap naman ni Nathalie Janelle ang palad ng lalaki na nakalahad lalo at kasalanan din naman niya kung bakit sila nagkabanggaan.
" Sorry na rin dahil hindi ko napansin na may paparating. Anyway salamat and I have to go." maagap na sagot ng dalaga na hindi na binigyan ng pagkakataong makapagsalitang muli ang lalaki na gusto pa yatang alamin ang pangalan niya.
Who cares daw!
Iniwan niya ang lalaking nagmamadali daw pero hanggang sa nawala siya sa paningin nito ay saka pa lamang nagpatuloy sa paglalakad patungo sa opisina ng may-ari ng kumpanya o ang kambal niya.
" Sayang hindi ko man lang naitanong kung ano ang pangalan niya. She's naturally beautiful." bulong nito habang nakatanaw kay Nathalie Janelle.
Huwag mo na daw alamin dahil hindi rin niya sasabihinXD!
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY!!!!