CHAPTER - 1
"Where the hell you're going again?" inis na tanong ni Quennie sa panganay na anak.
Kung tutuusin hindi pa umiinit ang puwet nito sa inipuan ay muli itong tumayo.
"Mommy, huwag ka ng magalit ayaw mo na bang magkamanugang sa akin? Aba'y baka unahan pa ako ni Gwen kapag nagkataon." Kindat ni Pierce sa ina.
Not knowing na hindi naman panliligaw ang dahilan ng muli niyang paglabas kundi tawag ng tungkulin. Pero kilala niya ang kanyang ina kaya hindi niya na lamang sinabi na may operasyon ang grupo nila.
"Hep! Hep! Hep! Ano iyan, Kuya? Anong kinalaman ko diyan ha? Aba'y kadarating ko lang ah," sabad ng bagong dating from her night duty.
"Ang sabi ko, Sis, mag-asawa ka na raw para magkaroon na ng apo sina Mommy at Daddy." Nakatawang baling ni Pierce saka mabilis na lumabas dahil alam niyang hindi siya makakaalis ng bahay nila kung kukupad-kupad pa siya.
Hindi na siya nagsayang ng oras agad niyang pinasibad ang sasakyan niyang nakaharang lang sa hallway.
"Ano'ng problema ni Kuya, Mommy? Aba'y daig pa niya ang hindi mapakaling inahing pusa?" tanong ni Gwen sa ina matapos itong humalik dito.
"Ewan ko ba sa kapatid mong iyon, anak. Halos hindi na nga mahagilap dito sa bahay tapos lagi pang nagmamadali kung nandito," sagot ni Quennie.
"Nagtaka ka pa sa anak natin, asawa ko. Don't you worry dahil kahit madalang pa sa patak ng ulan sa disyerto kung nandito si Pierce, pero marami naman siyang buhay na nasasagip at natutulungan," wika ni Wayne sa asawa.
"Mano po, Daddy, aba'y mukhang may ipinaglalaban ka ah." Biro pa ni Gwen sa ama kahit alam niya ang tinutumbok nito.
"Kaawaan ka ng, Diyos, anak. Kumusta ang princesa ko? Well, we all know naman kung ano mayroon ang kuya mo kaya pinapaliwanagan ko lamang ang mommy mo," sagot ni Wayne.
"Tumpak, Daddy, dahil kahit nga umuulan kapag tinatawag sila ng kanilang superior ay hindi sila makatanggi. Maiwan ko po muna kayo diyan ni Mommy, Daddy. I'm so much sleepy na." Sang-ayun naman ni Gwen sa ama saka muling humalik sa mga magulang at umakyat na sa sariling kuwarto.
Nang nawala na ito sa kanilang paningin ay muling nagsalita ang haligi ng tahanan.
"Asawa ko, masanay ka ng laging wala ang mga anak natin. They're just two. Kapag mag-asawa na silang dalawa ay mas hindi na sila mahagilap dito sa bahay. Let's say, dadalaw sila like what we're doing to our own parents pero iba na ang sitwasyun dahil may kanya-kanya ng pamilya. Kaya't ngayon pa lang na dahil sa trabaho ang dahilan ng madalang nilang pagparito ay sanayin na natin ang ating sarili," paliwanag niya sa mahal asawa.
Napabuntunghininga naman si Quennie dahil sa tinuran ng asawa. Totoo naman kasi ito. Lalo ang panganay nilang anak na laging paiba-iba ang destino. Gano'n din man ang reporter nilang anak o si Gwen pero nahahagilap pa naman nila ito sa kanilang tahanan.
"Nasanay lang siguro ako, asawa ko. Way back on their childhood lives na lagi silang nandito and I'm missing that part of our lives. But don't worry asawa ko, I'm okay." Nagpakawala si Quennie ng Malcolm na paghinga
"That's good, asawa ko. So, let's have a coffee?" tanong naman ni Wayne na nakangiti saka iniabot ang mug ng asawa na may lamang kape.
Mahigit tatlong dekada na sila bilang mag-asawa kaya alam na alam na niya kung paano pasayahin at ibalik ang ngiti ng asawa. He know that his wife loves to have coffee in every morning kaya naman ng narinig na niya ang boses nito na sinisita ang panganay nila ay agad niyang dinala ang kape nilang mag-asawa sa sala at hindi nga siya nagkamali dahil agad itong napangiti as she started to drink her coffee.
Samantala dahil nakabakasyon o off ni Janelle ay naisipan niyang sumama sa mga magulang at bunsong kapatid sa airport para sunduin ang kambal niya na galing sa U.S. , kung saan ito nakabase na super addict sa pagguhit. Hindi nga sila nagkamali dahil ilang minuto lang silang naghintay ay dumating na ito kaya naman agad silang lumapit dito.
"Welcome home, kambal. Mabuti naman at naalala mo pa kami nina, Papa at Mama." Nakataas ang kilay ni Nathalie Janelle sa kambal na ilang buwan din ang ginugol sa ibang bansa para sa doctorates nito bilang isang architect.
"Grabe ka naman, kambal. Sermon agad wala bang hug and kisses muna?" nakangiting sagot ni NC dito.
" Hmmp! Baka akalain pa nilang nobya mo ako abah masyado akong maganda para sa iyo kaya hug na lang." Pagbibiro pa ng dalaga.
"Nakakahurt ka naman, NJ. Parang sinabi mo ng pangit ako. Abah, kambal tayo kaya kung maganda ka guwapo din ako," make face pa na aniya ni Nathaniel Craig.
"Tsk! Ang ingay ninyong dalawa eh para kayong mga palaka sa tag ulan diyan. Para walang maraming usapan ako ang pinakaguwapo sa ating lahat. At dahil nag iisang babae si ate NJ siya ang pinakamaganda na mana kay Mommy," hindi nakatiis na sabad ni Clyde sa mga ito.
Hindi naman napigilang napahalakhak ng mag asawang Dennise Joyce at Rey sa kalokohan ng kanilang mga anak. Na namana pa yata sa tiyuhin nilang alaskador na si papa T kung tawagin ng mga ito.
"Ang daya mo naman, Clyde. Abah ako ang Kuya kaya ako ang guwapo sa ating dalawa." Ayaw paawat ni NC na abot taenga rin ang ngiti.
"Wala ng pero-pero, Kuya. Ako ang guwapo, oh 'di ba? Puwedi na akong maging model mo sa iyong pagguguhit. Pero kung aangal ka pa abah maiwan ka na dito sa airport at uuwi na kami nagugutom na mga alaga ko sa tiyan." Kindat ni Clyde sa kaniyang Kuya.
Kumbaga sa mga bata nagtakbuhan ang mga ito sa sasakyan ng mga De Luna at pinagtitinginan unahan ng kambal ang manibela pero anong laban nila sa tagapagmana ng papa nilang general na in just a blinked of an eye ay nasa harap na ito ng manibela.
"Ahay, may plano ka talagang iwan kami ano? Subukan mo at pauuwiin na talaga kita kay lola sa Paratong." Pagbibiro ni NJ sa bunso nila.
"Biro lang, Ate. Ikaw naman kasi, ginawa mo nang court room ang airport." Nakailing na baling ni Clyde sa kaniyang ate bago binuhay ang makina.
"Yeah I know kiddo don't worry I'm just kidding too. Minsanan na nga lang tayo nagiging buo at sama-sama eh magiging pikon ka pa ba?" ngiting sagot ni NJ.
Napangiwi naman si Clyde sa paraan ng pagtawag sa kanya ng ate niya.
"Huwag ka ng umangal kiddo dahil ikaw ang bunso kaya ikaw ang kiddo." Panggagatong naman ni Nathaniel Craig na nakita sa side mirror ang nakangiwing mukha ng bunso nila.
Sasagot pa sana si Clyde pero siya namang paglapit ng mga magulang nila kaya't ito na naman ang pinagtulungan nilang asarin.
Pero anong laban nila sa pinagmulan nila ng pagkaalaskador? Wala dahil sila din ang sumuko sa biruan nilang mag-anak.
Ilang sandali pa ay tinahak na nila ang daan pauwi sa kanilang tahanan pero nagpatuloy sila sa masayang kuwentuhan, kantiyawan, hanggang sa ang bunso na naman nila ang naging centro ng biruan na kaya daw mas gusto nitong tumira sa Paratong ay may tindera daw itong nobya pero tinawanan lamang ng bunso ang kanilang biro.
Sa kabilang banda, muling bumalik sa trabaho si Pierce kahit kauuwi lamang niya dahil sa tawag ng tungkulin.
"Sorry,Captain Abrasado, but we need you here. Babawi ka na lang ng bakasyon in the near future." Hinging paumanhin ng kanilang superior.
"Wala namang problema, Sir. Dahil iyan po ang sinumpaan nating tungkulin," sagot ng binata. Hindi kakikitaan ng pagod kahit pa galing ito sa night shift duty.
"Thank you, Captain, for your kindness and understanding. By the way gather your men and we'll conduct the operation about the peace talk between NPA's and the citizens along Sierra Madre mountains, " pahayag ng superior nila.
Sa pagkakarinig sa lugar ng tiyuhin ay napakislot ang binata bagay na hindi nalingid sa kausap.
"Is there's something wrong on what I've said, Captain Abrasado?" muli ay tanong ng opisyal.
"Sorry, Sir, pero nabigla lang siguro ako dahil kilala ang Sierra Madre na tahimik na lugar saka taga doon ang asawa ni Papa Dos, ang kapatid ni Mommy," sagot ni Pierce.
"Don't worry, Captain. Dahil hindi mapapahamak ang mga tao o ang mga civilians doon. Kaya nga magsasagawa tayo ng patrolya para maiwasan ang paglala ng nagpipintong sigalot sa kabundukan ng Sierra Madre," wika ng opisyal saka tinapik sa balikat ang balikat ng binata.
Dahil dito ay tumayo na ang binata saka sumaludo.
"Permission to leave, Sir." Sumaludo siya sa kaniyang Superior.
"Carry on, Captain. Go on tell your men and the rest that we'll be having a meeting later on," tugon naman ng opisyal.
Hindi na sumagot ang binata bagkos ay tumalikod na siya at nagtungo sa mga kasamahan niya at sinabi ang tungkol sa meeting.
Kinahapunan sa tahanan ng mga De Luna, pababa pa lamang ng hagdan ang dalaga ng maulinigan ang kambal niya na kausap ang mga magulang. Hindi siya agad nagpakita sa mga ito dahil hindi naman niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito pero pinukaw siya sa narinig na pinag-uusapan ng mga ito. Sasabad na sana siya sa mga ito pero muling nagsalita ang kanilang ama.
"Are you sure of that, anak? Hindi naman sa tutol ako sa plano mo pero ang maipapayo ko lang sa iyo ay alamin mo muna ang history or background ng kanilang lugar baka mamaya niyan ay baka ikaw pang tutulong sa kanila ang maging masama," aniya ni Rey sa anak ng ipinagtapat nito ang tungkol sa lugar nina Jayson at Jane.
"Kaya ko nga po isinangguni sa inyo, Daddy, ang bagay na ito para naman may kaagapay ako sa pagtulong sa kanila. Alam ko daddy kapag ikaw ang makakakita sa lugar nila gano'n din ang gagawin mo iyun ay ang tulungan sila," tugon ni Nathaniel Craig.
"Yes anak nandoon na tayo pero ang sa akin lang ay kung wala kang masasagasaan sa bagay na iyan. Alam mo namang minsan sa kagustuhan nating tumulong tayo na pala ang masama," sagot naman ni Rey.
"Tama ang, Daddy, mo anak. Simulan mo ang pagtulong mo sa kanila sa pag-iimbistiga mo sa kanilang lugar at kapag wala kang masasagasaan go sure why not we will support you the way you wanted to be." Sabad naman ni Dennise na may dala-dalang meryenda.
"Okay po, Mommy, Daddy. Kasi naaawa ako sa kanila. Paano na kapag dumating ang punto na may medyo malakas na hangin? May bagyo? Sa mismong bahay na nga lang nina Jane at Jayson na napasok ko parang tumindig lahat ang balahibo ko sa awa." Napailing si Nathaniel sa pagkaalala sa lugar ng mga teenagers na kaibigan.
Sa narinig ay hindi na nag-atubili si Nathalie Janelle na sumabad. When it comes sa pagkawan-gawa ay hindi nahuhuli ang kanilang pamilya.
"Anong kaguluhan ito? Order in the court!" Lumapit si Nathalie Janelle sa mga ito na para bang tunay na nasa loob ng korte.
Kayo, hindi ito pinansin ni Nathaniel bagkus ay pinalapit ito sa kinauupuan.
"Kambal, halika dito may ipapagawa ako sa iyo." Tinapik pa nito ng bahagya ang katabing sofa tanda ng pagpapaupo sa tabi.
"Ang sama mo naman, kambal, eh. May ipapagawa agad? Abah ikaw nga ginawan ni Mommy ng meryenda tapos ikaw may ipapagawa agad baka naman puweding magmeryenda muna ako?" Napataas ang kilay ng dalaga sabay upo sa tabi ng kambal niya. Nasa mukha naman nito ang pagpipigil na huwag matawa dahil sa kalokohan.
"Eh, problema ba iyon kambal magpapadeliver ako ng meryenda mo at dinner nating lahat kasama ang mga kasambahay basta halika at may ipapagawa ako sa iyo." kakamot kamot na aniya ng binata dahil naisahan na naman siya ng abogada niyang kapatid.
Kaya naman hindi napigilang humalakhak ng kanilang mga magulang dahil kahit kailan ay hindi natatalo ni NC ang kambal nito. Kahit sa simpleng biruan ay hindi ito makaporma kapag si NJ ang nagsalita.
"Mommy naman." Napasimangot tuloy ni NC dahil pakiramdam niya'y pinagkaisahan na naman siya ng mga mahal sa buhay.
"Hoy, lalaki ka. Ano ba kasi ang ipapagawa mo sa akin at mukhang kinakakutsaba mo pa sina Mommy at Daddy? Bilisan mo sabihin mo na huwag kang makupad diyan at mas lalong huwag kang magpapagawa kung drawing lang din naman dahil alam kung iyan ang kinahuhumalingan mo." Napatawa tuloy si NJ sabay dampot sa baso ng kambal niya at ininum.
"Wow! nng sarap naman ng fruit shake mo, Mommy," anito sabay lapag sa baso saka tumayo sa mismong harap ng kambal niyang nakasimangot.
"Ayan na anak magsalita ka na kasi dahil totoo naman ang sona ng kambal mo," sabi ni Rey dahil sa pagsimangot ng binata.
"Daig pa si miming na may buwanang dalaw sa hitsura ng mukha." Pangangantiyaw pa ng dalaga na tinutukoy ang alaga nitong pusa.
"Anak, behave." Sawata ni Dennise. Nakikita niya sa babae nilang anak ang kapilyahan niya at nakikita niya kay NC ang young version ng ama nila na tahimik.
Nang makuha ni NC ang pakiramdam na magsalita ay inilatag niya ito sa kambal niya. Imbes na pambayad niya sa abogado ibigay na lang niya sa mga nangangailangan ang pera.
"Hmmm. Samahan mo ako roon bukas kapatid para makapagsimula ako sa pagpapaback ground check. Pero kung hindi ako nagkakamali ang lugar na iyan ang sinasabi nilang dating tahanan ng magpinsan na nagka develop an at nagsama," tugon ng dalaga.
"May gano'n na ba dito sa Baguio anak? Ang alam ko sa ganyang bagay ay sa mga kapatid nating Muslims lamang maaaring magsama bilang mag asawa ang mga magpipinsan," sabad ni Dennise.
"Diyan ka nagkakamali asawa ko. Dahil kung sa mga Muslims lang iyan puwedi, bakit sa Europe may mga mag-pinsan na mag-asawa? Sa England na Catholic country eh may mga ganyan ding kaso ah. Depende naman kasi asawa ko lalo sa ating mga Pilipino malaki ang respeto natin sa ating angkan or should I say iniisip natin na malas sa angkan ang magkamag- anak na mag asawa." Salungat ni Rey.
Hindi naman maiwasang mapaubo ni NC sa paliwanag ng ama.
"Oist magpadeliver ka na ng dinner natin kaysa nag-uubo ubuhan ka diyan." Kalabit ni Nathalie Janelle sa kakamabal saka tumayo.
Akala nilang lahat kung bakit ito tumayo lalo at nakapamaywang na naman pero halos mapahagalpak sila sa sinabi nito. Para bang nasa ROTC ito.
"Manang! Manang! Come over here! Ang alaga ninyong si Nathaniel Craig Harden De Luna ay ipinag-uutos na huwag kayong magluto ng hapunan. Magpapa-deliver daw siya ng pagkain nating lahat. Is that clear?" anito sa kaawa awang may edad ng tagaluto nila na halos magkandadapa-dapa dahil sa lakas ng boses ni Nathalie Janelle.
Walang nagawa ang mga ito kundi ang humalakhak dahil sa kalokohan nito. Na ikinakamot naman sa ulo ng kambal nito.