CHAPTER - 16 " Manang pakitawag naman si Janelle kaninang umaga pa iyun hindi kumakain ah. Anong oras na hindi ko pa siya nakikitang muli." Kunot-noong utos ni Gng Dennise dahil magtatanghalian na ay hindi pa nila nakitang bumaba ang dalaga. Bilang ina ng dalaga ay hindi niya maiwasang mangamba kung anu na ang nangyari dito. Magkasabayan ngang dumating ang kambal nila pero sabay din naman mga pangyayari sa buhay nila sa panahong iyun. " Pero ma'am baka magalit po si ma'am Janelle alam ni'yo naman pong ayaw na ayaw niyang nadidistorbo kapag namamahinga siya." Sagot naman ng katulong na lumapit. Pamangkin ito ng matagal ng naninilbihan sa kanila bilang taga luto. Sa dinami-dami ng puweding ipangalan ay Manang pa ang naging pangalan nito. Hindi sila kagaya ng ibang