CHAPTER FOUR

2052 Words
CHAPTER - 4 " Pare ano iyan para bang ipis  na nagtatago pag may tao. Tutuloy  ba tayo o hindi?" pang-aasar ni Darrell sa  kaibigan na  hindi  malaman kung ano ang hitsura nito habang papalapit sila sa tahanan ng mga De Luna kung  saan kakatagpuin nila ang kanilang kaibigan na si Nathaniel Craig. " Hanep ka  naman pare kung mangantiyaw ka  akala mo'y  ang tapang  mo. Ikaw kaya itong masungit at naggagalit-galitan sa lihim mong mahal  eh." nakakamot  sa  ulo  na sagot ni Pierce sa kaibigan. " Hep! Hep! Hindi ako ang pinag-uusapan dito kundi  ikaw  kaya't  huwag  mong  ibaling sa akin. Baka naman mamaya sa  tapang  mong iyan eh tiklop ka  agad  sa  kambal ni pareng Craig? O  baka  naman  malunok mo na naman ang dila  mo pag nagkataon na nandoon  siya?" sansala  pa dito ni Darrell. Actually  alam naman niyang nandoon ang kambal ng kaibigan  nila pero hindi nila sinabi o ipinaalam  kay  Pierce dahil gusto nila itong surpresahin. They'll  all know the two kung gaano katapang  sa  sariling bukasyon  ang binatang si Pierce ay gano'n  naman  katiklop kay  Janelle, as well as Janelle kung gaano ito kasutil sa ibang tao ay kabaliktarang lahat pagdating kay Pierce.  Ultimo kilay  at kasu-kasuan yata ng kaibigan  nila'y  kinasusuklaman nito na hindi naman nila alam ang dahilan. " Grabe  ka  namang makapanglait Arellano. Well to see is to believe dre patutunaya ko sa  ito na  nagkakamali kayong lahat sa  inaakala. " sambit ni Pierce pero kahit siya'y  duda  kung  magagawa  nga ba niya iyun. Well, magagawa naman niya  talaga pero kapag nasa harapan na niya ang dalaga na laging galit  sa  kanya'y nawawala na ang lahat ng ihinahanda niyang kalambingan dito. Tuloy, imbes na suyuin niya ito'y nauuwi  sa  pang-aasar at iyun na ang simula  ng pag-usok ng bumbunan  ng lihim  niyang minamahal. " Tsk!  Hindi mo bagay Abrasado mas  bagay sa iyo  ang nasa battle field." kantiyaw pang muli ni Darrell. Pero hindi na ito pinatulan  ni Pierce dahil habang papalapit  sila  sa  tahanan  ng kaibigan  ay  mas nararamdaman niya ang kaba. Kaba  nga ba o mas tamang sabihin na excitement? Sa  kanyang pag-iisip ay  hindi  napansin ang mapanuksong titig ng kaibigan,  hindi sumagi sa  kanyang isipan na habang  nag-iisip siya'y  abala din ang kaibigan  niya sa  pag-iisip ng kalokohan  na maipantatapat sa kanya. Sa kabilang banda, dahil wala naman siyang  trabaho ay hindi na naisip ng dalagang si Nathalie Janelle ang maglagay ng anumang kalurete sa  mukha. Sa madaling salita,  hindi  na siya nag-abalang magpaganda.  Nakapambahay nga lamang siya habang inaabala ang sarili  sa  mga halaman ng kanilang ina. " Oh  anak wala ka bang lakad ngayon? Parang gusto mo pa yatang palitan si manong sa puwesto  niya diyan ah." tuloy ay kantiyaw ng ina ng napadaan ito. Sa kasuutan pa lamang nito ay halatang may pupuntahan. Pinatay muna ng dalaga  ang tubig bago sumagot. " Si  mommy talaga oo. For now as you know  I'm  on leave kaya kahit maghapon ako dito sa  bahay. Saan  ba ang lakad mo 'my?" tugon ng dalaga. " Sa kabilang bahay anak. Walang  kasama ang mommy at daddy itinakbo sa  pagamutan ang  kuya Angelo mo. Alam mo namang madalas ito doon  pero sabi ni mommy kanina'y he tried to kill himself." paliwanag ni Gng Dennise Joyce. " Hmmm baka may problema na naman sa  pag-ibig  si  kuya Angelo  kaya  ganyan. Hay naku oo  sakit sa  ulo  ang mga---" " Ang  mga  lalaki gano'n  na naman  ba kambal? Aba'y sa pagkakaalam  ko naman wala ka pang kasintahan para sabihing sakit  kaming mga  lalaki sa ulo." agaw pansin ng binata na kagaya ng dalaga  na hindi nakabihis. " Alam mo kambal hindi lang nagkataong  magkambal tayo'y kanina pa kita sinapak diyan. Sa dami ng mga nasasaksihan kung failures sa  pag-ibig ng mga kaibigan ko'y sapat  na iyun upang alam ko ang  sakit sa  ulo. Saka  bakit  ka  apektado ha? Ikaw din naman ah wala ka pa namang naipapakilalang girlfriend sa amin." nakapamaywang na nakataas ang kilay  na sagot  ni Janelle. Kaya naman napailing  na lamang ang kanilang  ina  dahil kahit saan kung  magpang-abot ang dalawa ay walang  pinipili lalo na ang dalaga. Spoiled  ito sa  mga kapatid na lalaki although  they all know their  limitations. " Siya maiwan ko na muna kayong dalawa diyan anak. Basta  maawa ka kay  manong  anak huwag mong agawan ng trabaho ha." nakatawang aniya  ni Gng Dennise Joyce  bago tuluyang  iniwan ang kambal na anak. Hinatid nila ng tanaw ang kanilang ina na nagpahatid sa kanilang driver na kung tutuusin naman ay hindi na ito kailangan dahil may kanya-kanya naman silang sasakyan pero ang rason  ng kanilang butihing ama ay  hayaan na lamang nila para may kasama sila sa bahay at masakyan  ang kanilang mga  kasambahay lalo  na kapag namamalengke sila at gaya ng oras na iyun ay maagang lumabas ang kanilang ama kaya walang nasakyan  ang mommy  nila. Makaraan  ng ilang sandali, muling hinarap ni Janelle ang mga bulaklak pero hindi siya nilubayan ng kambal. Kinulit  siya nito ng kinulit kaya naman ay muli  niya itong  pinamaywangan. " Go  away from me kambal  kung ayaw mong samain sa akin. Kita  mo namang busy  ako eh. Doon  ka  na lang sa room mo at ilubog  ang sarili mo sa pagguhit kaysa naman ako ang pagdiskitahan mo." simangot na aniya ni Janelle. Pero hindi ito nakinig sa kanya kaya naman  ang sutil niyang isip ay  muling nakaisip ng pambawi dito. " Hey sis what's  on  that naughty  look?" tuloy ay tanong nito sa  kabila  ng pagtataka. Pero hindi na sumagot ang dalaga bagkos ay itinutok na nito ang hawak na hose sa kambal saka ito winisikan at hindi tinantanan. The result? Nag-water  fight  silang dalawa na hindi na napansin ang pagdating  ng inaasahang  bisita ni Craig. Lahat  ng mga malalapit na kaibigan  ng pamilya ay  kilala ng mga guwardiya kaya naman malaya  silang makapasok sa  kanilang tahanan kaya  naman hindi nila namalayang nakapasok  na  sina  Darrell at Pierce. " Oh what the hell is going on here De Luna?" hindi  malaman kung maiinis ba  o  hindi na sambit  ni Pierce dahil saktong  natapat  sa  kanila  ng kaibigan ang hose na pinag-aagawan ng kambal at pareho ng basang-basa. Pero si Darrell ay nakaiwas pa kaya ito  lang  ang nabasa. Sa  narinig ay nag-isang dereksyon ang tingin ng kambal. " Oh nandito na pala kayo mga pare. Pasok muna kayo at ako'y  magbibihis  muna---" " Hoy! Lalaki matapos  mong pakialaman ang ginagawa ko heto  para sa  iyo." muli ay tutok ni Janelle sa hose kay Craig pero mabilis  itong nakatago sa bagong  dating lalo  na si Pierce. " Hey stop that will you? Look basang-basa na ako ah." malakas na  awat  ni  Craig dahil basang-basa na rin ito. Si Darrell? Tawang-tawa  ito dahil nakatago ito. " Ikaw lalaking ewan ko lang kung unggoy nga  ba  o  impakto na  maka De Luna wagas samantalang nandito ka sa teritoryo ko. Diyan na nga kayong  tatlo!" sambit ng dalaga  at  ibinagsak ang hawak na hose saka mabilis na pumasok sa loob na hindi na inalintana ang basang kasuutan. Ang  magandang  mode ng dalaga  ay  biglang umusok ng dumating  ang magkaibigang  Darrell at Pierce pero duda  ang magkakaibigan  na galit  ito sa  dalawa o NC at DC. Kilala nila ang dalaga alam nilang palakaibigan at alam nilang sutil din ito pero  pagdating kay Pierce ay usok hanggang ulo  ang  galit. " Don't  worry  pare  marami naman akong bagong  damit  diyan na maari  mong pamalit sa  damit  mo. Iyun  nga lang wala akong bagong brief kaya huwag ka ng magsuot. " pangangantiyaw  pa ni NC kay Pierce na kagaya niyang basang-basa din. " Tado! Bilisan mo kumuha ka  na bga lang  ng bihisan natin bago tayo dapuan ng sakit aba'y  kailangan pa ako ng taong bayan." naiinis na nakatawang aniya ni Pierce. " Ang malas  naman natin ngayon 'pre hindi ka pa nakakapormae kay  Janelle pero ayan supalpal ka  na naman. Paano  ka niyang makakapanligaw sa  iyo  kapag laging ganyan." panggagatong pang kantiyaw ni Darrell na tawa ng tawa pero dahil pare-parehas silang sutil ay  idinamay na rin nila ito sa tubig. The result? Silang magkakaibigan  ang nag-water fight na parang  mga  bata. Ang  mga magkakaibigan  na kahit sa kalokohan  man  ay kapit -bisig pa rin silang tatlo. Sa kabilang banda o sa tahanan  ng  mga Abrasado lalo na sa malaking bahay ng mag-asawang  Wayne at Quennie. " Hey guys  what's  happening here?" maang na tanong ng huli sa  mga katulong nilang nagkakagulo. " Ma'am  kasi po ano." nanginginig  na  tugon ng isa. " Hindi ako  nangangain  ng tao pero masama akong magalit  baka hindi  ni'yo  alam niyan kaya  bago  pa ako  magalit  ay  magsalita  na  kayo ng maayos." wala naman siyang balak manakit  dahil kailanman  ay hindi pa sila nakakapanakit ng mga kasambahay maski ang mga magulang nila. Paraan lamang niya iyun para mapagsalita  ang mga ito. Nais niyang malaman kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito. " Kasi  po ma'am  ganito  iyun. Noong  isang araw pa po iyun pero akala ko'y  normal lamang dahil  may mga dumaraan  naman talaga dito lalo na ang mga biyahero. Kahapon din po gano'n  din na pabalik-balik at ang masaklap  po ay  kaninang umaga halos tulog  pa  po ang lahat ng tao ay binulabog kami ng mga kasamahan  ko ng malakas  na kalabog." marahil  nga ay  natakot  ito  dahil nanginginig pa ito. Napakunoot-noo naman ang  ginang sa pahayag ng kasambahay pero  bago pa siya maka pagsalita ay  muling nagsalita ang isa  nilang kasambahay. " Natatakot po kami ma'am kasi ang kalabog po ay ang nabasag  na salamin  ng bintana kusina. Heto  po ang ibinato ng may  kagagawan  sa pagkabasag ng salamin doon." aniya nito na halatang natatakot  na rin dahil sa boses pa lamang  na nanginginig. Hindi  na sumagot si Quennie  bagkos ay inabot ang crumpled paper pero gano'n  na lamang ang gulat niya ng malamang hindi  lang ito  basta papel  na nilukumos dahil may  bato ito. Kung nagulat  siya sa kaalamang  bato ang binalot sa papel ay  mas  nagulat  siya sa nilalaman  ng papel  o  ang  nakasulat  dito. BINALAAN NA  KITA  NOON PA ABRASADO PERO HINDI KA NAKINIG ITINULOY  MO PA RIN KAYA IHANDA MO  ANG  SARILI MO  DAHIL IKAW NA RIN ANG HUMUKAY SA SARILI MONG LIBINGAN Ang nakasulat  sa  papel  na ibinalot sa may kabigatang bato. Sa  mahigit tatlumpong taon  nilang mag-asawa ng asawa niya'y  ngayon  lang nangyari ang gano'n  sa  kanila. Ang may nagbato ng death threats. Hindi pa nga siya  nakakahuma ay  nagsalita naman ang hindi nila namalayang  lumapit  sa kanila na si Wayne o ang kanyang asawa. " What's  happening  here mahal? It's early in  the morning pero mukhang  biyernes Santo  kayong lahat?" takang tanong ni Wayne sa mga ito. " Sige na magsibalik na kayo sa mga trabaho  ninyo. Kami na ng sir  ninyo ang bahala dito." baling  ni Quennie  sa apat nilang kasambahay bago hinarap  ang  asawa. Nang  wala na ang mga ito sa kanilang paningin ay tahimik ng iniabot  ni Quennie ang papel. " What's this mahal  ko?" maang pa ring  tanong ni Wayne. " Open it and read mahal." sagot naman ng ginang saka napatingin  sa kawalan o sa harapan ng kanilang tahanan na para bang may makukuhang sagot doon. " Saan  galing  ito mahal?  Napasok na ba  tayo ng masasamang tao? Aba'y sa unang  pagkakataong  may death threats tayong natanggap ah." tanong pa nito. " Iyan ang dahilan ng maagang  kumusyon. Pangatlong araw  na pala  ngayon na may umaaligid dito sa bahay pero  ngayon lang sila  nagsalita dahil sa papel na iyan. Ibinalot sa batong  iyan saka ibinato sa kusina dahilan para mabasag ang pintuang  salamin at  bintana sa kusina. " pahayag  ni Quennie sa asawa. " My God! What's  happening  on earth! Did you call the police para ireport ang  pangyayaring ito mahal? Aba'y hindi ito biro  ng magawan  agad ng aksyon." Wayne  said  in a worried  voice. " Hindi pa mahal  dahil  kababa  ko lang din at kagaya mo'y  nadatnan ko lang din sila nagkakagulo. But I guess this  threats is not  for  us. I strongly believe that it's  one of our children." sagot ng Ginang. Sa narinig ay parang nagkaroon  ng idea ang haligi ng tahanan. " Tawagan  mo ang anak natin  mahal  sabihin  mong umuwi  siya ngayon din dito sa Manila at  ako ang tatawag ng mag-aayos sa nasira  sa kusina. I think panahon na para magpalagay  tayo ng camera sa buong  paligid  it's  for  our  security . Isasangguni ko ito  kay  kuya para mapag-aralan  niya  kung ano ang dapat nating  gawin." bilin ni Wayne sa asawa. Without a word, they did what they  know what's  the best for them. . . . . . . ITUTULOY! !!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD