CHAPTER FIVE

2077 Words
CHAPTER - 5 Nasa kalagitnaan ng kasiyahan ang magkakaibigan ng tumunog ang cellphone ni Pierce pero hindi ito napansin ng binata dahil abala sila sa paghaharutan na para bang mga batang nakawala sa hawla porket paminsan-minsan lang nagkikita. " Hello iha kumusta ka na?" tanong ni Quennie sa dalaga ng mga De Luna ito ang nakasagot sa land line ng pamilya na ito naisipan niyang tawagan ng nakailang dial siya sa anak pero walang sumasagot. " Oh ikaw pala tita. Okey naman po ako. Napatawag ka tita? " tugon ng dalaga. " Itatanong ko sana iha kung nandiyan si Pierce kasi tumawag ako sa Bontoc pero sabi ng pamangkin ko wala siya doon, gano'n din kina Darrell wala naman daw sila doon at hindi naman din siya sumasagot kaya nagbakasakali akong tumuwag diyan sa inyo. Nandiyan ba siya anak?" tanong ng ginang. Umuusok ang galit niya sa taong hinahanap sa kanya pero hindi pa siya gano'n kabastos para idamay ang ina nito. " Opo tita nandito po sila ni Darrell dumating sila kaninang-umaga. Gusto mo po ba siyang makausap?" magiliw pa ring tanong ng dalaga na kahit kumukulo ang dugo niya sa taong hinahanap sa kanya. " Oo sana anak kung maaari." sagot naman ng ginang. " Okey po tita saglit lang at dadalhin ko po sa kanya ang telepono." sagot ng dalaga. Nasa taas o sa pangalawang palapag ng bahay ang kuwarto niya kaya naman may pagmamadali ang pagbaba niya na kamuntikang pagkadapa pa niya. " Hoy unggoy na ewan kung bingi ba o nagbibingi-bingihan lang. Nasa linya ang mommy mo. Hindi mo daw sinasagot ang cellphone mo." bulyaw ni Janelle sa kinaiinisang lalaki saka ipinasa ang wireless phone saka muling  nagwalk-out pabalik sa  loob ng kanilang tahanan.  Nais namang mapahalakhak  ng ina  ni  Pierce na nasa kabilang linya habang hinihintay na magsalita  ang anak. " 'Pre mommy mo daw baka importante iyan." dinig  pa niyang  aniya ng kaibigan  nito. Then... " Hello mommy musta po kayo diyan?" sa wakas ay boses na ng anak ang narinig. " Well half-half anak. Half na okey  kami at half na hindi." tugon  naman ng nasa kabilang linya. Labis  namang  nabahala ang binata  dahil sa  unang pagkakataon ay gano'n  ang sagot ng ina. Nagkataon pang  wala silang magkapatid  sa  piling ng mga ito. Nasa bakasyon   siya at nasa Mindanao  naman ang kapatid  niya. " Po?  Anong ibig mong sabihin mommy?" maang naman tanong ng binata pero mas  nabahala  siya ng napabuntunghininga pa ang ina. " Mommy  naman anong  problema  diyan?" muli ay tanong ng binata dahil  talagang  nag-aalala na siya. " If you can iho  come home. May death threat kaming natanggap dito pero hindi namin  alam kung para kanino at kanino galing kaya kako  kung okey  lang sa iyo come home. You can have your vacation  some other time anak." sagot naman ni Quennie. Bilang  alagad ng batas hindi na kaduda-duda  na para sa kanya ang  death threat lalo at marami na siyang  binangga na matataas ang katungkulan  sa  lipunan. " Okey po mommy. Magpapaalam lang ako sa  mga kaibigan ko at luluwas  na agad ako." sagot niya. " Take care iho don't  be reckless in your driving." saad  na lamang ng ginang dahil kahit siya ay  nakaramdam din ng takot para sa  anak. " Okey mommy I will. I'll  hang up the phone now  para  makapagpaalam  na ako sa kanila. See you there mommy." aniya na lamang ng  binata at pinatay na ang linya. Pagkababa niya ng telepono ay  agad siyang  nilapitan ng mga kaibigan saka tinanong. " Pare  may  problema  ba? Wanna share with us 'tol?" seryosong tanong ni Craig. " Yes pare. Kaya kahit gustuhin ko mang  samahan kayo pero I need to  go home. Pasensiya na kayo mga pare ako pa nga ang  nagyaya pero ako  pa ang sisira. Hayaan ni'yo  babawi  ako  some other time." hinging paumanhin  ni Pierce. " 'Tado iyan pa ang iniisip mo eh may problema na ngang naghihintay  sa iyo doon  eh. Don't worry pare  marami pang pagkakataon. Go ahead pare ako na  ang bahalang magsabi  kina  tita  doon  sa  atin. Take care sa daan." saad na lamang ni Darrell na  sinundan  naman ni  Craig na kinaubo ni Pierce. " Don't worry pare ako na ang bahala kay  kambal I'm  sure magiging  maamo  din sa  iyo  iyun at hahanapin ka. Ipapabaon ko sa  kanya ang damit  mong  pinalabhan ko." aniya pa nito. " Puro  ka kalokohan 'pre. Sige na mauna  na  ako sa  inyo. See you again some other time." aniya ng binata.  Gustong salungatin ng puso  niya ang tinuran  ng kaibigan  na " ipapabaon" nito ang damit  niya dahil isa  lang ang ibig sabihin nito. Matutuloy na ang pag-alis  nito upang  magtrabaho sa  Spain. Pero sinarili na lamang niya dahil  ayaw niyang ipakita sa  mga ito ang tunay  niyang nararamdaman.  Kaya nagpaalam  na  lamang siya na mauna na. " Tawag ka  pare  kapag  makarating ka  na  doon ha. Ingat  sa  pagmamaneho." bilin  pa ng dalawa. Pero tanging busina na lamang ang isinagot ng binata saka pinausad ang  sasakyan. Nagpakawala siya ng malalim na paghinga ng tuluyan  siyang nakausad. Sigh! Sigh! Sigh! Agad  din lumapit si Wayne sa  asawa ng nakitang wala na itong kausap. " Anong sabi ng anak mo asawa ko?" tanong  niya dito. " Magpaalam lang daw siya sa  mga kaibigan niya at luluwas  na siya. Ikaw asawa ko anong sabi ni kuya Villamor?" tugon  naman ni Quennie. " Dadaan daw siya dito mamayang  hapon asawa ko after his work. Alam mo naman si kuya hindi iyan nagsasalita  over the telephone  lalo at confidential ang usaping  tinanong ko. " saad ni Wayne saka nagpakawala ng malalim na paghinga. " Panahon na rin siguro asawa ko na sundin natin ang suhestiyon ni papa lalo at  madalas tayong dalawa lang ang nandito. Dibale  na sana kung nandito ang anak natin pero kahit nandito  naman eh kadalasan night shift  siya sa kanyang duty. Si Gwen eh wala din dito kaya mas mabuting magtalaga na lang tayo ng guwardiya kahit isa  sa day time at isa sa gabi. It's  for our security asawa ko." aniya  naman ni Quennie na napaupo na. Pero bago makapagsalita ang padre de pamilya ay  sumabad ang isa  nilang kasambahay. " Kuya nandiyan  na po ang mag-aayos  sa kusin. Papasukin ko na po ba?" aniya nito. " Sige Wella at samahan mo siya sa kitchen ha susunod ako doon." sagot naman ni  Wayne. " Masusunod po kuya. Sige po." aniya ng kasambahay bago umalis. " Sige na asawa ko. Just  calm and relax huwag mo ng abalahin ang sarili mo sa kaisipang iyan. Malakas ang kutob ko kay Pierce ang threats na iyon pero huwag ka ng matakot dahil ako  na  ang pupunta sa opisina ni kuya para isangguni ang tungkol dito." pampalubag-loob ni Wayne sa asawa saka pinisil ang palad saka nagtungo sa kusina. Hinatid muna ni Quennie ng tingin  ang asawa bago siya lumapit sa   munting  grotto ni mama Mary at papa Jesus. " O aming Diyos, itininataas namin sa iyong kinalalagyan sa ika-pitong langit ang panalanginng aming kaligtasan. Talastas namin ang iyong walang hanggang kapangyarihan at alam namin na ikaw ang siyang tanging makapagliligtas sa amin laban sa anumang sakuna at kapahamakan.  Panginoon, sa iyo po namin ipinauubaya ang aming mga katawang-lupa upang bantayan ng lubos. Sa iyo namin idinudulog ang aming mga kaisipan na magkaroon ng sapat na talino upang makaiwas kami sa anumang panganib. Sa iyo namin ipinapanalangin ang aming mga kaluluwa na maging malinis at ligtas upang maging karapat-dapat sa iyong harapan. Bantayan mo kami sa lahat ng sandali. Ilayo mo kami sa mga taong walang iniisip kundi ang paggawa ng masama. Ilayo mo kami sa mga taong nagkukunwari lamang na aming mga kaibigan. Huwag mo kaming ilapit sa mga taong magiging daan ng aming pagkapahamak. Ialis mo kami sa mga sitwasyong magkakanulo sa amin sa apoy ng impiyerno. At huwag mo kaming pahintulutang makalapit sa masasamang mithiin ng demonyo. Talos namin na tanging ang aming mga kaluluwa lamang ang kanyang interes at hindi namin pababayaang kami ay mapunta sa kanyang kaharian.  Panginoon, ikaw ang aming kaligtasan, sa iyo namin ipinauubaya ang aming katawan, kaisipan, damdamin at kaluluwa sapagkat ikaw lamang ang siyang makapangyarihan sa lahat.  Panalangin namin ito sa pangalan ng iyong anak na si Jesus.  Amen." taimtim na dalangin ng Ginang.( the prayers  credited to the owner ) Sa  pagkakasambit niya ng kanyang  panalangin ay ramdam niya ang  haplos ng langit. Samantala pinuntahan ni April  ang binilinang  magmanman sa tahanan ng mga Abrasado. " Kumusta ang  ipinapagawa ko Johny?" tanong niya dito. " Okey na ma'am  April. I'm sure  na maaalarma na ang Abrasadong iyun." sagot naman nito. " Well, well dapat lang iyun as kanya. Kinausap ko na siya dati pero hindi  nakinig  kaya kung ayaw niyang  madaan sa magandang-usapan aba'y  sa  paspasan na lamang." aniya nito sabay ismid at hithit ng sigarilyo. Sigarilyo nga ba o druga? Nandoon  na lahat dahil kaya pinadalhan niya ng death threats  ang lalaking mortal na kaaway ng pamilya nila lalo na siya bilang  taga pagmana  n kayamanang pilit  pinaiimbistigahan  ng grupo ng Capitan. Well hindi lang naman ito ang nagpapaimbistiga  pero ito  lang talaga ang puspusan sa  pag-iimbistiga at dito  lang sila  mainit. " Ah ma'am April iyung lakad natin mamayang gabi tuloy ba? Dahil kung hindi  babalik ako doon para makapagmatyag ng maayos. Parang  wala doon ang target natin eh." untag ni Johny sa lady  boss na parang malayo na ang narating. " Hindi iyan problema Johny dahil hindi lang naman siya ang membro  ng pamilya. Ayaw  mo ba no'n kapag nagkataon ay may hawak tayong alas." tugon naman nito. " Sabagay tama ka diyan ma'am." sang-ayun na lang ng lalaki. Hindi na rin nagtagal ang babae sa lungga  ng mga tauhan nila. Muli  nitong tinahak ang daan  pabalik sa kanilang tahanan. Pero ng  maisip  ang kasintahan ay  bahagya siyang napatigil sa  pagmamaneho at bago pa siya magbagong isip ay  naiba na ang  daang tinatahak niya.  Imbes  na pauwi sa  kanila ay nagtungo na sa lugar  ng kasintahan. Sa kabilang banda, way back in Baguio City sa tahanan  ng mga De Luna. " Tuloy-tuloy na ba iyan anak?" tanong ni Dennise sa kaisa-isa nilang anak na babae. " Opo  mommy para naman maiba ang simoy  ng hanginna  aking  lalanghapin." pabirong sagot ng dalaga. " Anak  gaya ng sabi ko sa iyo dati may tamang isip ka  na. Alam mo na  ang tama at mali kaya you have my blessings sa paglayo mo pero lagi mong tandaan at huwag kalimutang magdasal." aniya naman ni Rey. " Thank you daddy at huwag po kayong mag-alala dahil gagawin  ko po iyan. Bukas ng gabi  na po ang luwas ko  ng Manila para sa  flight  ko." may ngiti sa  labi  na sagot  ng dalaga. Ang  akala nilang busy sa  pagguguhit ay bigla na lamang sumabad. " Ahem kambal ulitin ko ang tanong ko sa iyo noon pa man. Talaga bang ipagpapalit mo ang permanent  job mo dito sa trabahong  hindi mo  naman sigurado  kung may  patutunguhan nga ba? It's  too late to  stop you kambal kasi sabi  mo nga bukas ng gabi na ang pagluwas  mo. Gano'n  pa man wala akong magagawa kundi ang sumang-ayon pero may itatanong muna  ako  kambal bago ko  sang-ayunan ng tuluyan ang plano  mo." aniya nito na naka-cross arms at nakasandal may paanan ng hagdan nila. Sa  pag-aakalang  ano seryoso ang itatanong  ng kambal ay  agad pumayag ang dalaga pero parang gusto niyang pagsisihan  ang pagpayag na  magtatanong ito. " Talaga  bang wala ng pag-asa  si  pareng Pierce sa iyo kambal? Hindi ka na naawa sa  tao alam  mo bang kaya iyun  dumadayo  dito para makita ka  lamang imbes na ibuhos sa pamamahinga ang ilang linggo lang na bakasyon niya. Mahal ka  ng tao kambal pero bakit hindi mo man lang siya bigyan ng pagkakataong ipadama sa iyo ang nararamdaman? I hope so kambal na hindi mo pagsisihan ang paglayo mo sa kanya." out of the blue ay aniya nito na hindi matukoy kung  nagtatanong  nga ba ito o nangungunsensiya. " Craig anak. Ano  ka ba aba'y  ibibigay mo na nga lang ang basbas  mo nangungunsensiya  ka pa." saad  ng kanilang ina. " No I'm not mommy I'm  just  telling her the truth. And to tell you the truth kaya napasugod  sila ni pareng Darrell dito kaninang umaga dahil plano  sanang  lumapit ni pareng Pierce  kay  kambal kaso  nagpang-abot na naman sila sa  garden. By the you have my blessings  kambal and as daddy says a while ago take care always there." aniya ng binata saka lumapit sa mga ito at tinapik ang balikat ng kambal saka muling tumalikod at umakyat sa hagdan patungo sa  sariling kuwarto. Naiwan namang nakanganga ang mga ito dahil hindi nila inaasahan ang sasabihin nito. At bago pa man may makapagsalitang muli ay may nagsalita naman galing sa main door nila. . . . . . . . ITUTULOY! !!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD