Di niya nalang pinatulan ang mga panunukso ng kanyang mga kasama sa kanya, mas maigi pala na tahimik kalang sa kabila ng mga ibinabato nila. Kusa nalang na nag slow down ang issue at naibabaling sa iba ang topic. Kaysa pag pumatol ka na lalo lang hahaba ang diskusyon at nagmumukha kapang defensive. "Wui, napipikon ka ba sa amin?" Tanong ni Mimi sa kanya. Ngumiti lang siya at sumagot ng normal, yung tipong di galit at di rin naman masaya. "Di a, alam ko naman na ganyan na talaga kayo. Tsaka dalawang taon mahigit ko na din naman kayo na kasama." Sagot niya. "Bigla ka kasing natahimik kaya naisip niyang napikon kana." Sabi naman ni Maxine na inilagay sa mesa nila ang pagkain na binili nito. "Sanay na naman din ako na ganyan kayo." Ingos niya sa mga ito, at tanging tawa lang ang sagot ng m