Kanina pa siya pasulyap sulyap sa pinto ng opisina ng lalaki at nagtatalo ang kanyang kalooban kung ano ang kanyang gagawin. Kung kakatukin niya ba ito upang mag lunch break? o hahayaan ito na mag hunger strike?. Nang pumatak ang eleven forty nine ay napagpasyahan niyang gisingin ito bago siya bumaba, upang mag lunch kasama ang mga kaibigan na niyang mga office mate. Alam niyang puputitaktihin siya ng panunukso ng mga kasama oras na malaman ng mga ito na nagbalik na ang kanilang boss. Akmang kakatok na siya ng biglang bumukas ang pinto. "Ayyy..." Tili niya na muntik pa siyang ma out balance kung di lang siya nito nasalo. "Tsss careful, kung magpapaalam kang mag lunch na. Go susunod nalang ako." Sabi nito na seryuso ang mukha. Di halatang pinapak siya nito kaninang umaga. Tila ba ay nap