Halos di niya marinig ang kanyang sariling tinig sa lakas ng tunog ng chopper. Pero nakikita niyang nag aapearan ang mga kaibigan ng boss niya. Sampu yata ang mga ito, at tawanan ng tawanan ang mga ito. "Let's go na, akina yang bag mo." Sabi ni Sir na kinuha ang kanyang bag mula sa kanya. Nanginginig ang kanyang kalamnan sa nerbiyos lalo at ito ang first time niyang sasakay sa chopper. Naglalakbay na sa kahimayaan ang kanyang diwa. Paranoid lang siya ng very very light, iniisip niyang baka bumagsak pag nasa ere na sila. Tiniyak naman ni Travis sa kanya na safe ang sumakay sa chopper. Ayon dito mas convenient para sa kanila ang ganung sasakyan, di na nila kinakailangan pang dumaan sa mga paliparan na. As long as may paglalapagan ay pwede. "Masanay kanang sumakay sa ganito." Sabi pa nito