Pag labas niya sa Cr ay nakahiga na ito sa sofa na nasa sala. Lihim siyang nagpasalamat dahil doon, akala niya kasi ay ipagpipilitan nito na magtabi sila. Pumasok siya sa silid at nakaready na nga ang kanyang hihigaan. Napangiti siya dahil napakalambot ng kama. Pinatuyo niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang maliit na blower. Lagi niya iyong dala dala kahit saan siya magpunta. Narinig niya ang mahinang tila paghampas ng kung ano mula sa bintana. Natigilan siya dahil doon, pero ipinagkibit balikat niya lang. Ilang sandali pa ay nahiga na siya, napadilat siya ng makitang tila may anino ng tao sa labas. Mabilis na napatakbo siya sa lalaking nasa sala. "Sir! Sir!" Mahina niyang tawag dito habang kinakalabit ito. Nagulat nalang siya ng walang kahirap hirap na binuhat siya nito at inilaga