Chapter 8 - Regrets

2269 Words

PAGLABAS ni Raizer ng penthouse ay halos liparin niya papuntang elevator. Animo’y hinahabol siya ng demonyo sa bilis niyang tumakbo. Pagpasok niya sa elevator ay kulang na lang hilingin niyang bumaba ito agad sa basement. Parang napakatagal kasi ng usad nito pababa. Nang makarating siya sa basement parking ay sumakay siya agad sa kanyang sasakyan at pinahararurot ito palabas ng resort. Walang direksiyon kung saan siya pupunta. Basta dire-diretso lang siya sa pagmamaneho. Kalahating oras ang dumaan bago niya naisipang ihinto sa tabi ang sasakyan niya. Pagkatapos ay pinagpupukpok niya ang manibela na para bang doon niya inilabas ang lahat ng galit. Nang hindi siya makontento ay bumaba siya ng sasakyan at ibinalibag pa ang pintuan ng kotse pasara. Palakad-lakad siya sa tabi ng kanyang kotse

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD