Chapter 26 - Seduction 101

2079 Words

KANINA pa pinagmamasdan ni Kaye ang mga pares ng pantulog na natanggap niya sa bridal shower na ibinigay ng mga kasamahan niya sa trabaho. Isinama na rin niya rito ang mga regalo sa kanya ni Khrysstyna. Kung siya lang tatanungin ay hindi niya talaga gustong isuot ang mga ito. Nanghinayang nga lang siya na ipamigay ang mga ito. Kaya itinago lang niya sa mga gamit niya kasi wala siyang balak na isuot. Pero mukhang kakailanganin pala niya ang mga ito ngayon. Kahapon pa niya pinag-iisipan kung paano aakitin ang asawa niya. Isa sa pumasok na ideya sa kanya ay ang magsuot ng seksing pantulog. Baka sakaling mapansin siya ng asawa niya kapag isinuot niya ito. Ngayon ay namimili siya sa mga ito kung alin ang isusuot niya ngayong gabi. Katatapos lang nilang mag-dinner at dumiretso sa banyo si Rai

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD