*Jeanine's POV* Mag-isa kong nilakad ang madilim na pathway papunta sa Administrator's building. Kalat na ang dilim sa buong paligid at ang mga ilaw na lang sa mga lamp post sa gilid ng daan ang tanging nagbibigay liwanag sa lugar. Ang mga kaluskos ng halaman, tunog ng mga kulisap at ihip ng panggabing hanggin ang tanging naririnig ko sa paligid. May kalaliman narin kasi ng gabi kaya wala na talaga akong mahagilap pa na mga estudyante o kahit mga staff ng Academy. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba at alerto kong tinitingnan ang paligid ko. Naiyakap ko rin ang sarili ko ng biglang umihip ang malamig na hangin. Tama ba tong ginagawa ko? Nakakatakot.... baka kung ano nalang ang biglang lumitaw dito ah.... Takot na sabi ko at muling sinuyod ng tingin ang magkabilang gilid ng daan na tinataha