When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
*Yael's POV* "Saan ba tayo pupunta Yael?" Tanong sa akin ni Sean habang naglalakad kami sa hallway ng Administrator's Building. Hindi ko siya binalingan at nagpatuloy lang sa paglalakad ko. "Ako lang ang may pupuntahan. Sumusunod ka lang naman." Sabi ko sa kanya. Umismid siya at namulsa. "Ganun narin yun diba? Nakasunod ako sayo kaya kung saan ka pupunta doon narin ako." Huminto ako bigla sa paglalakad at tiningnan siya. Lumampas muna siya sa akin ng ilang hakbang bago tumigil at hinarap ako. "Bakit mo ba ko sinusundan Sean? Kahapon ka pa ganyan." Seryosong tanong ko sa kanya. Mula ng bumalik kami ni Jeanine dito sa mundo namin dalawang araw na ang nakakalipas ay hindi na ko hiniwalayan ni Sean. Para siya naging anino ko kahit saan ako magpunta. At parang lagi niyang binabantayan ang