THE REASON WHY... Chapter 30 "Good morning wife..." Napangiti ako ng may maramdaman akong may yumakap sa akin mula sa likuran habang nagtatype ako sa harap ng laptop. "Good morning husband..." naramdaman ko na hinalikan nito ang tuktok ng ulo ko matapos 'non ay humiwalay at dumiretso sa banyo. Inayos ko ang isusuot niya, hindi mawala ang ngiti ko sa ginagawa ko. Isang buwan na rin ang nakakaraan ng sabihin sa akin ni Cloud na susubukan niya akong mahalin, sa loob ng panahon na iyon nakita at naiparamdam niya naman sa akin kung gaano siya ka-sincere sa sinabi niya. Tuluyan ng nagbago ang trato namin sa isa't-isa, madalas siyang maglambing sa akin at ganun din ako sa kanya.Tuwing weekends, walang palya kaming nagdedate na siyang lagi ko namang ikinasisiya katulad ngayong araw na ito.