Chapter 29 Nilabanan ko ang masamang tingin sa akin ni Cloud kahit na nga ba ang gusto ko na lang gawin ay ang takbuhan at iwanan na lang ito. Napakamapaglaro talaga ng tadhana, hindi ko alam kung paano niya ako natunton dito o kung paano niya nalaman ang tungkol sa mga bata. Ang alam ko lang natatakot ako, kung tatanungin niyo ako kung mahal ko pa si Cloud, honestly hindi ko alam ang isasagot. I don't know kung malakas ba ang kabog ng puso ko dahil sa nakita ko siya o dala lang ito ng kaba sa isiping posible niyang makuha sa akin ang kambal. No hindi niya makukuha ang kambal, mamamatay muna ako bago mangyari 'yon. "Sir/Maam may problema po ba?" Naalis ang paningin namin sa isa't-isa at sabay na binalingan ang security guard na lumapit sa amin. Iginala ko ang paningin ko at doon napans