-----Tomoko's POV----- Constantly dating, yan na ang status namin ngayon ni Jiro but things became different when suddenly... "Sorry Tomoko ha, hindi kita maaayang mag-date ngayon." Hinging-patawad ni Jiro. "Bakit naman?" Nag-aalala kong tanong. Lugmok na lugmok ang anyo ni Jiro. "Nasibak na kasi ako sa trabaho ko eh." "Ano!?" Napatayo agad ako at nagmartsa palayo. Humanda talaga sa akin ang Kelvin na yan... akala ko tuluyan na niya akong pinalaya pero tama ako, kahit may Yoriko na siya ay hindi pa rin niya ako magawang kalimutan kaya naman sinugod ko agad siya sa opisina niya. Walang katok-katok basta na lang akong pumasok sa loob ng opisina niya at naabutan ko nga siya na hapis na hapis at tila wala pang tulog. Nakasanday siya sa kanyang upuan at hinihimas-himas ang tila su