“NAKITA ko kayo ni Penelope kagabi? Bakit mo siya pinuntahan sa dorm? May relasyon ba kayong dalawa?” seryosong tanong ni Achilles. Madilim ang mukha nito at nagsalubong ang dalawang kilay nito. Hindi kaagad nakakibo si Ulysses. Umiwas siya ng tingin sa kaibigan. Katatapos lang ng panghuling exam nila ng araw na iyon. Uuwi na dapat siya ngunit hinarang siya ni Achilles nang pasakay na siya ng kanyang motorsiklo. “Magpapaliwanag ako, bro,” mahinahong sabi niya. “Anong ipapaliwanag mo? Na inaahas mo ang babaeng mahal ko?” matigas na sabi nito. Ang dalawang palad nito’y nakakuyom ng mahigpit. Alam niyang nagpipigil lamang ito ng galit. Para itong bulkan na anumang oras ay sasabog ng