“MABUTI naman at dumating ka na. Balak ko na ngang balikan ka, eh. Mag-aalas siyete na, eh. Mahigit isang oras na ang lumipas mula nang iniwan kita sa bleacher. Ano ba talagang ginawa mo doon?” ang bungad ni Charlotte nang pumasok si Penelope ng kuwarto nila. Ibinaba ni Penelope ang dala-dalang gamit sa ibabaw ng kama saka umupo dito. “Nag-review lang kami,” ang sabi niya rito. “Nag-review ka? Sinong kasama mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Sana ay hindi pa ako umuwi para nakapag-review din ako. Sayang naman.” Bigla siyang nakaramdam ng guilt. “Huwag kang mag-alala kasi pinahiram naman ako ng kasama ko ng reviewer. May magagamit na tayo para sa Chemistry at Biology,” aniya habang bi