“PAPA!” Biglang nagliwanag ang mukha ng Mama ni Ulysses. Nagtatakang napatingin sa bagong dating si Penelope. Hindi niya akalaing buhay pa pala ang lolo ni Ulysses. Wala naman kasi itong naikukuwento sa kanya tungkol sa mga kamag-anak nito maliban sa mga magulang nito at sa pinsang si Barbie. Tinitigan niyang mabuti ang matanda. Wala siyang makitang puting buhok nito. Marahil kinukulayan nito ang buhok para manatili itong kulay itim. Sa tantiya niya ay hindi pa ito masyadong katandaan. Maaga siguro itong nag-asawa at nagkaanak kaya hindi masyadong malayo ang hitsura at edad nito sa Mama ni Ulysses. Kung pagtatabihin ang mga ito, baka pagkamalan silang magkapatid. Naramdaman ni Penelope ang awra ng kapangyarihan at awtoridad sa presensiya nito. Nang mapadako ang tingin nito sa kanya, ag
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books