Chapter 35

1275 Words

Three years later NAGISING  si Penelope sa tunog ng alarm clock niya. Kinapa niya ito sa tabi ng night lamp niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang alas-sais y medya na pala ng umaga. Bigla siyang bumalikwas ng kanyang higaan. Nagmamadaling lumabas siya ng kuwarto at dumiretso sa paliguan. Pagdating niya sa tapat ng pintuan ng paliguan ay bumukas ito at lumabas ang roommate niyang si Elaine. “Kagigising mo lang?” bati nito sa kanya habang nagpupunas ng buhok. “Oo nga, eh. Bakit hindi mo naman ako ginising? Alam mo namang may interview ako ngayon,” paninisi niya dito bago siya pumasok sa loob ng paliguan. “Anong hindi ginising? Dalawang beses kaya kitang ginising. Panay ungol lang ang sagot mo. Narindi na ako sa tunog ng alarm clock mo kaya bumangon na ako at naligo,” katwiran nit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD