“OH, MY GOODNESS! Totoo ba itong nakikita ko? Hindi ba ako nananaginip? Kurutin mo nga ako Penelope para magising ako. Baka panaginip lang ang lahat ng ito,” kinikilig na sabi ni Charlotte. Mula sa panonood sa mga naglalarong soccer players ay ibinaling ni Penelope ang paningin sa kaibigan. Gusto niyang matawa sa ekspresyon ng mukha ni Charlotte. Para itong maliit na bata na tuwang-tuwa sa tinanggap na regalo. Kulang na lang ay magtatatalon ito sa tuwa. Namumula pa ang mukha nito na tulad ng hinog na kamatis. “Bakit ano bang problema mo?” naguguluhang tanong niya dito. Kung hindi lang niya kilala ang kaibigan ay iisipin niyang tinotopak ito. “Friend, hindi mo ba nakikita iyang