Chapter 37

1479 Words

HINDI na nagawang magpaalam ni Penelope sa kanyang trabaho dahil kinabukasan din ay umalis na sila ni Achilles upang puntahan ang kinaroroonan ni Ulysses. Wala pang kalahating oras silang nagbibiyahe ni Achilles nang mapansin ni Penelope na biglang nagbago ang kanilang kapaligiran. Kanina lang ay nasa highway sila, sa gitna ng mga nagkukumpulang mga sasakyan. Ngunit ngayon ay bigla silang nasa animo’y disyerto. Wala siyang nakikitang kahit na anong puno o kabahayan man lang. “Nasaan na tayo Achilles? Bakit tayo nandito?” gulat niyang tanong habang nililibot ng kanyang tingin ang buong paligid. Ang nakikita niyang lugar ay parang eksena sa mga pelikula.Walang katao-tao at ang tangi niyang nakikita ay walang hanggang buhangin. “Ito ang daan papunta sa Leger. Mamaya lang ay nandoon na tayo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD