“KANINA PA kita hinahanap. Nandito ka lang pala,” humahangos na sabi ni Charlotte nang pumasok ito sa kuwarto. Inabutan siya nitong nagtutupi ng Maria Clara at saya na kanyang isinuot kanina sa opening program ng intrams. Ang SMU Chorale pati na ang Dance Troupe, ang Rondalla at ang iba pang kasali sa opening program ay pare-parehong naka-Filipiniana attire . “Bakit mo ba ako hinahanap?” kunot-noong tanong niya rito. Napansin niyang suot pa rin nito ang costume nilang sumayaw. “Akala ko kasi hihintayin mo ako para sabay sana tayong uuwi. Iyon pala nauna ka nang umuwi. Buti na lang may nakapagsabi sa akin na umalis ka na. Kapag nagkataon baka hanggang ngayon hinahanap pa rin kita