TUMAWID NG kalsada si Ulysses. Eksaktong nakatawid na siya ay saka naman humarap ang dalawang babae. Sina Penelope at Charlotte pala ang mga iyon! Mukhang nagulat ang dalawa nang makita siya. Palapit na siya dito nang bigla na lang tumawid si Penelope. Kasunod nito si Charlotte. Peste! Anong nangyayari? Bakit biglang iwas ang mga ito sa kanya? Wala siyang magawa kundi sundan ang mga ito. Tumawid siya ulit. Napansin niyang huminto sa paglalakad ang dalawa. Palinga-linga si Charlotte na parang may hinahanap. Si Penelope ay nakatayo lang sa tabi nito. May hawak itong panyo at panay ang punas sa mga mata nito. Umiiyak si Penelope? Bakit ito umiiyak? Bigla ang pagsalakay ng kaba sa kan