Chapter Three | His Voice

2570 Words
Chapter Three | His Voice KAHIT ilang beses na sinabihan ni Leo si Aria na huwag nang sumama sa pagsundo sa kambal pagkatapos ng trabaho ay nagprisinta pa rin ito at nauna pa sa kaniya sa sasakyan. Natutuwa rin naman siya sa pagiging sobrang thoughtful ng matalik na kaibigan sa mga anak niya. Mabuti na lamang at naroon ito habang in progress pa rin ang paghahanap niya ng bagong nanny ng mga bata. ““By the way, do you want me to filter your calls?”” Tanong ni Aria. Nasa intersection na sila malapit sa eskuwelahan ng kambal. Napalingon siya sa matalik na kaibigan nang marinig ang tanong nito. His brows creased. ““Hm?”” ““Naalala ko kasi sabi ni Corrine kanina nilagay daw niya yung phone number mo sa drawing na ginawa niya. You might receive some random phone calls if someone found that drawing,”” paliwanag ni Aria. ““Do you want me to intercept your calls?”” ““It’s alright, I guess. I doubt anyone will find it,”” natatawang pakli niya. ““At kahit na mayroon mang makahanap niyon, wala naman sigurong magkaka-interes na seryosohin ang isang drawing ng bata.”” Aria shrugged. ““Maybe, you’re right. But if you ever get any annoying anonymous calls, still let me know right away.”” ““Don’t worry, I will.”” Nang makarating sila sa school ay kaagad nilang pinuntahan ang classroom nina Collin at Corrine. Magkaklase ang mga anak niya, which makes it convenient. ““Daddy!”” Puno ng galak na tawag ni Corrine nang makita sila ni Aria sa doorway ng classroom. May ibang mga magulang din ang naroon para sunduin ang mga anak nila. But mostly, the nannies or drivers are picking up the rest of the children. Leo faintly smiled at the scene. When someone like him, who has a very successful career, becomes a parent, they always unwillingly sacrifice some things in their lives; even the mundane things, such as picking their kids up at school, putting them to bed, or sometimes even having a meal with them. Nakakalungkot pero iyon naman talaga ang realidad sa mga katulad niyang may matagumpay na karera sa mundo ng pagnenegosyo. Besides, it’s not like he holds a very simple position in his company. Siya ang CEO ang Accenco. Being given the highest authority in such a prominent company comes with a price, of course. Isa pa gusto niyang maibigay ang lahat ng kailangan ng mga anak niya. Working hard and valuing his career is naturally part of it. Sinalo ni Leo ang anak at kinarga, kissing Corrine’s cheeks. ““Did you study well today, princess?”” Lambing niya rito. Sunud-sunod na tumango lamang naman ang anak niya. Kasunod niyon ay proud na ipinakita sa kaniya ang tatlong very good star stamps na nasa kanang braso nito. ““See? I got stars today, dad!”” ““Wow!”” Sabay nilang sambit ni Aria. Hinagod pa ng matalik na kaibigan ang buhok ng anak. ““Very good, Corrine!”” anito. Mayamaya pa ay lumapit na rin si Collin sa kanila. Ngunit di tulad ni Corrine, ay nakasimangot ito. ““What’s wrong, Collin?”” Tanong niya. Ipinatong niya ang kabilang kamay sa ulo ng anak saka marahang ginulo ang buhok. Inilapit ni Corrine ang bibig sa tainga niya at bumulong. ““He’s not happy because he got fewer stars than me.”” Leo nodded sympathetically. He saw Aria dropped to her knees para maging katapat si Collin. Idinikit ng matalik na kaibigan ang mga palad sa pisngi ng anak. ““Collin, sweetie, it’s okay if you got fewer stars today. Tomorrow, you can just do your best, right?”” Nagkibit balikat lang si Collin saka nilampasan si Aria at saka lumapit sa kaniya. Humawak ito sa palad niya pagkatapos ay hinila siya palabas ng classroom. Leo briefly glanced back at Aria and mouthed, ““Sorry. Bad mood.”” Matipid na napangiti lamang si Aria sa kaniya. MAG-A-ALAS SAIS y medya na ng gabi nang makarating sa bahay sina Leo at ang kambal nang hapong iyon. Hindi laging ganoon ka-late umuuwi ang mga bata ngunit dahil sa nangyari sa school, nag-suggest si Aria na mag-dinner na silang apat sa labas para i-cheer up si Collin. It proved effective dahil habang nasa daan kanina galing sa restaurant ay nakikipagtawanan na ito sa kakambal at parang nakalimutan na ang kanina lang ay ikinasisimangot nito. Ihinatid na muna nila si Aria bago dumiretso pauwi dahil on the way naman ang tinitirhan ng kababata. Bago bumaba ng sasakyan ay muling ipina-alala ni Aria sa kaniya ang tungkol sa mga anonymous phone calls na maaari niyang matanggap. Kahit disoras ng gabi ay ipaalam daw niya kaagad dito. Tinanguhan at nginitian lang niya ang assistant at matalik na kaibigan. Pagkatapos nitong humalik sa mga anak niya ay pinanood niya itong maglakad papasok sa loob ng bahay nito. Hustong kapapasok pa lamang ng kotse mula sa mataas na gates ay kaagad silang dinulugan at tinulungan ng kanilang mga kasambahay. Kinuha ng mga ito ang gamit ng kambal na nasa backseat, habang inalalayan naman ni Leo ang mga anak pababa ng kotse. Ang driver naman ang nagpasok ng sasakyan sa garahe. ““Ipaghahanda ko na po ba kayo ng hapunan, sir?”” Tanong ng pinakamatanda sa mga kasambahay niya na si Manang Ope. Magalang na umiling lang si Leo. ““Hindi na po, manang. Kumain na kami ng mga bata sa labas kasama si Aria.”” ““Ah, ganoon po ba? Sige po, sir. Iaakyat na lang po namin itong gamit ng mga bata sa kwarto nila.”” Hawak ni Leo sa magkabilang kamay ang kambal papasok sa bahay. Dumiretso sila sa second floor kung nasaan ang mga kwarto. Later that night, after his kids showered and changed into their pyjamas, Leo tucked them to bed. Dahil na rin sa request ng mga ito, binasahan niya ng kwento ang kambal. He picked Hansel and Gretel. Nang matapos niyang basahin ang kwento, dalawang pares ng gising na gising at sobrang curious na mga mata ang natagpuan ni Leo na nakatanaw sa kaniya. Itiniklop ni Leo ang libro. ““You didn’t like the story?”” ““Why is the second mommy so mean, daddy?”” Inosenteng tanong ni Corrine. Nang itanong nito kanina habang binabasa niya ang kwento kung ano ang ibig sabihin ng step mother ay sinabi niyang para itong second mommy. ““Mean?”” Balik tanong niya. ““Yeah, she wanted Hansel and Gretel to get lost in the woods. She’s mean! Salbahe!”” Segunda naman ni Collin. Natawa si Leo sa kakaibang accent ng anak sa pananagalog nito. ““Are all second mommies like that, dad?”” Kapagkuwan ay tanong ulit ni Corrine. ““No, they’re not,”” mahinahong paliwanag ni Leo. ““Maybe she’s just having a bad day,”” dugtong niya, for the lack of a better explanation. ““I don’t want a mean second mommy. I don’t want to get lost in the woods,”” komento ni Collin saka isiniksik sa ilalim ng braso ang kumot na nakabalot dito. ““You’re not going to get lost in the woods, buddy. It’s just a story.”” ““Promise us you will not let us have a second mommy, dad?”” Tanong pa ni Corrine. Leo paused. Matagal siyang tumingin sa mukha ng anak. Noong unang taon nilang mag-asawa ni Violet, may napanood silang lumang French film tungkol sa isang lalaking maagang nabiyudo pagkatapos ay kaagad na naghanap ng bagong mapapangasawa. Leo remembered being so frustrated at the man. Bakit naman ito kaagad maghahanap ng ipapalit sa asawa? Hindi ba nito talagang mahal ang babae? Violet just stared at him ridiculously, hearing him say that. Ang ibig daw ba niyang sabihin ay wala siyang balak maghanap ng bagong makakarelasyon kung sakaling mangyari sa kaniya ang katulad sa napanood nila? He was so sure of his answer. ““No, because you’re my wife, and I will never replace you.”” His certainty stemmed from one simple truth—mahal na mahal niya si Violet. At sigurado siyang hindi na siya makakahanap pa ng babaeng katulad ng asawa. In fact, he didn’t even want to think about it then. Buo ang paniniwala niya noon na makakasama niya ito nang mahabang panahon. Hindi makakalimutan ni Leo ang sinagot sa kaniya ng asawa. ““That’s not fair. And I would feel really bad if you spend the rest of your life married to a memory. God forbid it happens, but I want you to find someone new when I’m no longer here.”” Gayunpaman, sa loob ng nakalipas na limang taon mula nang pumanaw ang dating asawa, ay wala pang nakikilala si Leo na katulad nito. Not that he was just trying to stay true to his promise of never replacing his wife. Although, in a way ay totoo naman iyon. Kahit pa may basbas ni Violet ang pagkakaroon niya ng bagong magiging katuwang sa buhay ay hinding-hindi niya sisirain ang pangako sa asawa. She was his light in darkness, his warm flame in a cold night, his reason to continue being the best version of himself. Paano naman magagawa ninuman ang maghanap ng magiging kapalit ng taong may ganoon kahalagang papel sa buhay nila? He was lucky to have been married to such a kind, and gentle woman. In fact, if Violet had been alive to look after their kids, she would have been a great mother, too. Napakadaya ng tadhana sa kanilang dalawa. Napakadaya nito kay Violet. She deserved a longer life than she had. Probably even longer than he does. May maliit na ngiting sumilay sa mga labi ni Leo nang marahan niyang haplusin ang mahabang buhok ni Corrine. ““Don’t worry, I promise, I will not let you have a second mommy, princess.”” Nang makatulog ang dalawa ay tahimik siyang lumapit sa pinto at pinatay ang ilaw. Pagkatapos ay marahan niyang ipininid ang dahon nito. BAGSAK ang mga balikat na pumasok si Nathalia sa loob ng kaniyang maliit na apartment kinagabihan. As soon as she flicked the electricity switch near the door, artificial light flooded his cramped, disorganized pile of creative mess. Nasa isang sulok ang pinakamahal niyang pag-aari—her queen sized bed, because she believed that creativity flows only when an artist is well rested. Nakakalat naman sa dating carpeted na sahig ang mga pintura, paint brushes, half finished canvases, at iba pa niyang kagamitan sa pagpipinta. Piled carefully next to her books were some of her finished artworks—half of them she was very proud of, the other half she was still waiting to provoke any happiness in her. On the south of the small room was her mini-kitchen. And there was a narrow hallway right next to the sink that leads to the bathroom. Napabuntonghininga siya. She feels so tired. Parang buong maghapon yata niyang na-abuso ang mga paa niya sa kalalakad para lang makahanap ng trabaho. In the end, karamihan sa mga na-applyan niya, bukod sa hindi na hiring, ay hindi naman tumatanggap ng walang masyadong experience. Anim na buwan pa lamang naman kasi siyang nagtatrabaho sa cosmetics store na una niyang pinasukan bago ito nagsara. Even Hibiscus, which she was banking so much on, ay hindi siya tinanggap dahil dito. Her body bounced a little when she dropped her back onto her bed. Her bills and rent are due in a few weeks. At this rate, she could take any job—any job at all. Kahit tagapag-alaga ng pampered pet ng isang celebrity, o baby sitter ng mga bratty rich children. Basta’t magkaroon lamang siyang muli ng magiging steady income while she waits for her biggest art inspiration to come. Napatigil siya naisip. Teka? Babysitter? Nanny? Wanted, nanny? Napabangon siya at kaagad na hinagilap sa loob ng bag niya ang papel na lumipad papunta sa sinasakyan niyang taxi kanina. Muli niyang binasa ang nakasulat doon—Wanted, nanny! Call our daddy’s number. ““Totoo kaya `to?”” Tanong niya sa sarili. Napanguso siya. It’s just a child’s drawing. Paano kung home work lang pala iyon sa school? Baka mapahiya pa siya kapag nag-inquire nga talaga siya. On the other hand, wala namang mawawala sa kaniya kung susubukan niya. Tatawagan lang naman niya ang number at itatanong kung kailangan ba nila ng nanny. Kung hindi, no big deal. Bukas back to job hunting ulit siya. Ganoon ka-simple. Nothing ventured, but hopefully something to be gained. Umupo si Nathalia sa gilid ng kama at matagal na tinitigan ang papel. ““Ah, bahala na! Kailangan ko talaga ng trabaho.”” Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon at i-d-in-ial ang numerong nasa bandang ibaba ng drawing. She bit her lips listening to the other line ringing. Nag-isip siya ng magandang magiging opening. A polite introduction will definitely work, of course. Pero ano pa ang kailangan niyang sabihin? And if the number on the drawing belongs to the kid’s dad, magiging madali kaya para sa kaniya ang makausap ang isang father figure? She’s never had a great relationship with her own parents, and she has no idea how to deal with a dad. Besides, any type of parents are usually intimidating. She might have a small chance of pulling at heartstrings kung babae ang makakausap niya, pero masyadong authoritative at mahirap daanin sa emosyon ang mga lalaki. He might just say no to her before she could even say anything! Oh, darn it! What would I do? Halos lumundag ang puso niya nang makalipas lang ang apat na ring, ay bigla siyang nakarinig ng mahinang click kasunod ang malamig at baritonong boses sa kabilang linya. ““Hello?”” Parang naumid ang dila ni Nathalia. If a voice could ever be used to describe the concept of charm, or grace, or attractiveness, or even just the general interpretation of beauty, it would definitely be that voice. Kahit na iisang salita lamang naman ang narinig niya mula sa kausap, pakiramdam niya ay sapat na iyon para malaman kung anong klaseng tao ito. It’s quite impossible that that kind of voice belongs to a sociopath, or a shut-in nerd, or a grumpy, heartless guy. That voice obviously belongs to someone with a deep understanding about kindness and compassion and helping those in need. He must definitely be a kind person. She thought. Wala akong kaduda-duda. Sigurado akong napaka-bait ng taong kausap ko ngayon. This might just be my luck! ““Um, hi! Kailangan niyo po ba ng nanny?”” Diretsahan niyang tanong, not wanting to waste any of their time. Kinalimutan na niya ang introduction na kanina lang ay pina-practice niya mentally. Sandaling natahimik ang lalaking kausap. ““I’m sorry. Who’s this?”” ““I’m Nathalia Suarez, sir. I found a drawing with your number on it. At gusto ko po sana’ng mag-apply na nanny sa inyo.”” Napalunok si Nathalia matapos sabihin iyon. Ni wala siyang ka-expe-experience sa pag-aalaga ng bata, pero para sa pera, she will fake till she makes it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD