Chapter Two | Wanted: Nanny!

2561 Words
Chapter Two | Wanted: Nanny! ““IT’S only been a week since the launch of the new medicine, Leo,”” masuyong sambit ni Aria habang daan lulan ng sasakyan ng kababata papunta sa eskuwelahan ng kambal. Kaswal lamang ang pagkakabanggit ni Leo sa report na natanggap galing sa isa sa mga managers ng Accenco na dahilan ng biglaang pagbisita nito sa branch ng kompanya sa Makati, ngunit kaagad na nabanaagan ni Aria ang pag-aalala sa tinig ng matalik na kaibigan. ““I wouldn’t be too worried about the sales kung napaka-ikling panahon pa lang naman simula noong product launching.”” Si Leo ang nagmamaneho ng sasakyan, ang kambal ay nasa backseat at abala sa pagdo-drawing gamit ang crayon set na nahanap ni Collin kanina sa ilalim ng kama nito. ““You know how competitive I am, Ari. Besides, the last medicine we launched a year ago performed a lot better than this,”” paliwanag ni Leo. Matipid na ngiti lamang ang kaagad na naisagot ni Aria. May punto naman ang matalik na kaibigan sa sinabi. That last product Accenco launched became so successful that it almost instantly replaced the common pain killer brand and became a household name. The distributors and the advertising company that they worked with on their campaign last year was the same team Leo hired for the new one so obviously he was expecting the same results, if not better. At base sa nabanggit ng kababata tungkol sa natanggap na latest inventory report, naiintindihan niya kung bakit sobrang concerned nito sa magiging success ng bagong produkto ng Accenco. ““Hey, you are Leonard Palmer. There is nothing in this world that you can’t accomplish,”” sabi pa niya. ““Thank you.”” Ngumiti lamang si Leo at nagpasalamat sa kaniya. ““They don’t make assistants like you nowadays. Sobrang swerte ko naman sa `yo.”” It was her turn to laugh. ““Hindi mo na ako kailangang purihin, Leo. Kaibigan mo na ko bago mo pa man ako naging assistant. Of course, I will support and cheer you up.”” Pagkalipas ng ilang sandali ay napapalatak siya. ““Teka, kumusta nga pala ang paghahanap mo ng bagong nanny ng kambal?”” Napabuntonghininga si Leo. ““Wala pa ring balita sa agency. Nahihiya na nga ako sa `yo. I can’t always let the kids take up so much of your time everyday.”” ““Wala iyon, Leo. Ano ka ba?”” Lihim na napangiti si Aria. She was really happy to know that Leo actually noticed how much she has been spending with his twins lately. Bukod sa importante para sa kaniya ang mga anak ng matalik na kaibigan ay mahalaga rin para kay Aria ang personal na opinyon ni Leo tungkol sa kaniya, lalo na pagdating sa pagiging hands-on niya sa dalawang pinakaimportanteng parte ng buhay ng kababata. Dahil napakatagal man niyang nagawang itago mula kay Leo ang nararamdaman niya para rito, ang totoo ay hindi nagbago o nabawasan man lang ni katiting ang masidhing paghanga niya sa matalik na kaibigan. Bata pa lamang sila ni Leo nang una silang magkakilala. Leo was the shy, quiet boy that everyone in the neighborhood adores. At kahit siya ay mabilis na naagaw ang atensiyon. Noong una ang akala niya ay pinagtutuunan lamang niya ng pansin ang binatilyo dahil sa natural na pagiging loner nito. She thought she just wanted to be the nice girl that befriends the aloof new kid. But Aria slowly started noticing how charming and good looking Leo actually was, especially as they got into high school. Magmula noon ay kay Leo lamang umikot ang mundo niya. Ngunit sa paglipas ng panahon ay walang kahit anong intensiyong ipinakita ang kababata sa kaniya maliban sa pakikipagkaibigan. Dahil ayaw namang magmukhang desperada ay hinintay lamang ni Aria na mapansin din siya nito. Until Leo met Violet Laurier, the half-German half-Filipina renowned pianist who did a small tour around Asia a couple of years after they graduated college. Di kalaunan ay nagpakasal ang dalawa at siya pa ang ginawang maid of honor ni Violet. Dinamdam niya ng matagal na panahon ang oportunidad na nawala sa kaniya dahil lang mas inisip niyang maghintay na kusang mangyari ang inaasahan niya—ang mapansin din siya ni Leo. She was stupid. But barely two years into a very happy marriage, Leo became almost inconsolable when Violet died while giving birth to their first born children, the twins. At nalulungkot man si Aria para kay Leo dahil sa sinapit nito ay hindi naman niya maiwasang isipin na tila muli siyang binigyan ng tadhana ng isa pang pagkakataon sa kababata. Gayunpaman, sa nakalipas na limang taon ay hindi naman siya nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng mas malalim at mas intimate na relasyon kay Leo. He would always let her know that he was grateful to have her by his side—but only as a friend. She’s always just a friend. When the kids started going to school, they began to notice something missing in their family. When the twins asked Leo why they don’t have a mommy like the rest of their friends at school, ang sagot lamang ng kababata ay dahil nasa heaven na ang mommy ng dalawa. Kapag tinatanong naman ito ng mga bata kung pwede raw bang magkaroon ang mga ito ng isa pang mommy ay ngiti lamang ang isinasagot ni Leo sa mga anak. Aria knew that getting along with Leo’s kids would be her final ticket to winning his heart. Malinis naman ang intensiyon niya. At mahal niya ang kambal gaya ng pagmamahal niya kay Leo. Ayaw lang niyang umabot sa puntong may makilala na naman itong iba. She needed to show him that she has the potential to be the kids’ mother; that she could be his wife. Kahit pa halos araw-araw siyang sleep deprived at panay ang overtime sa trabaho dahil sa pagsusumikap niyang makasama araw-araw ang kambal at ang matalik na kaibigan. ““Leo.”” Ipinatong niya ang kamay sa braso ng lalaki na nakahawak sa manibela. ““Hindi mo kailangang mahiya sa’kin. Pamilya ko na rin naman kayo. Pamilya ninyo na rin ako.”” Nilingon niya ang kambal sa backseat na abala pa rin sa pag-do-drawing. ““What do you think, twins? Gusto ninyong palaging kasama si Tita Aria, diba?”” Napatingin lang sa kaniya ang kambal. Mahina siyang napatawa. Hindi marahil naintindihan ng dalawa ang sinabi niya dahil bukod sa tagalog na ay mabilis pa ang pagkakabanggit niya. ““Do you like Tita Aria to take care of you everyday?”” Tanong niya. The twins shrieked happily, laughing. ““Yes, we want to!”” Iiling-iling na napatawa na lamang din si Leo. ““They love you because you’re spoiling them.”” ““Hindi ko sila ini-spoil, `no. I just really love them so much.”” Nang lingunin ni Aria ang dalawa ay nakita niyang abala ang mga ito. ““What are you doing guys?”” Tanong niya nang mapansin ang papel na nasa kandungan ni Corrine. ““Nanny?”” Basa pa niya sa nakasulat doon. ““Are you writing a letter to your old nanny?”” Collin shook his head. ““We are helping dad find a nanny so he will not be sad anymore.”” Tinapunan ng tingin ni Leo ang mga anak mula sa rearview mirror. ““Sad? I’m not sad, buddy. What makes you say that?”” ““You look really sad every night when you are putting us in bed, daddy,”” sagot naman ni Corrine. Napipi si Aria. Alam niya ang dahilan niyon. Minsan ay napag-uusapan din naman nila iyon ni Leo, kahit na masakit sa kaniyang pakinggan ang mga bagay na naikukwento sa kaniya ng kababata—namimiss nito si Violet. And looking at his twins, who were both a spitting image of their mother, makes him miss her more. ““I’m not sad, princess,”” malumanay na sagot ni Leo. ““I like taking care of you both.”” ““But we still want a nanny. She can play with us!”” Si Collin. Kunwari’y napasimangot si Aria. ““Why not with me? I thought you wanted Tita Aria to take care of you?”” ““But we still want a new nanny,”” sabi Corrine. ““So that daddy can get back to work.”” Nagkasulyapan lang sila ni Leo. The kids are getting used to a nanny than being with their parent. Sobrang busy rin kasi ni Leo sa trabaho kaya limited lang din ang oras na nailalaan nito para sa mga anak. Lately lang nito ipinilit na baguhin ang schedule dahil nga nawalan ng mag-aalaga ang dalawa. ““Wait! Oh, no! My drawing!”” Corrine yelled. Natatarantang napalingon sina Leo at Aria sa dalawang bata. ““What happened?”” Tanong ni Leo. Nagsimula nang umiyak si Corrine. ““Daddy, the drawing flew out the window!”” Sumbong ni Collin. ““Corrine, it’s fine. We can make another one when you come back from school, okay?”” Pag-aalo ni Leo sa anak. Tumango-tango lang si Corrine at pinahid ang mga luha. ““I like your drawing. I hope someone finds it and returns it to daddy,”” sabi ni Collin sa kapatid. ““How can they do that?”” Curious na tanong ni Aria. ““I put daddy’s phone number there!”” Gulat na lumingon si Aria kay Leo na napatingin din naman sa kaniya. Pagkatapos ay parehas silang napatawa. Inayos ni Aria ang pagkakaupo at binawi ang tingin sa kambal, resting the back of her head on the seat. ““Oh, kids! You are so adorable!”” NATHALIA GRIMACED when her mobile phone rang inside her bag. Lulan pa rin siya ng taxi at maya’t-maya ang sulyap sa kaniya ng driver nang hindi pa rin niya sinasagot ang tawag makalipas ang ilang ring. Nakalimutan niyang i-silent ang device bago umalis ng bahay. Her marimba ringtone was playing on full blast inside the car. She embarrassingly searched for her phone inside her bag. Nang makita ito, ay kaagad niyang pinindot ang green button sa screen. ““Louise, ano’ng problema?”” Tanong niya kaagad sa nasa kabilang linya. ““Grabe ah, wala man lang ‘hello’ o ‘kamusta?’”” Nanunumbat ang boses ng kausap. ““Sorry, I’m on the road. Naghahanap ako ng trabaho. Hindi ba nasabi ko sa `yo kagabi?”” ““Bakit, nasa interview ka na ba ngayon?”” Pakli nito. Huminga siya ng malalim. ““Alright, fine. What is it?”” ““Nat, I found the perfect man you should go on a date with!”” Nathalia grimaced and pressed her lips together habang tuluy-tuloy lamang naman sa pagsasalita ang kaibigan sa kabilang linya. Louise was one of her clients sa dating pinapasukang luxury cosmetics store. Dahil magkasing-edad lamang sila ay naging magkasundo kaagad sila nito lalo na nang siya na palagi ang nire-request nito na mag-assist dito tuwing may bibilhin kapag nagpupunta sa store. It helped Nathalia so much at the time dahil bukod sa sahod ay umaasa rin siya noon sa commissions na nakukuha niya sa bawat produktong binibili ng mga customers niya. When Louise found out that she had been laid off, though, her friend had employed herself to find her a rich boyfriend full time. Isang bagay na hindi man niya maamin dito ay hindi niya masyadong naa-appreciate. Hindi naman sa ayaw niyang makipagrelasyon, pero wala pa sa isip niya ito. She is still struggling with money right now, struggling to put her name out in the public as an artist, struggling to make amends with her past. Hindi pag-ibig na magiging pansamantalang diversion lamang sa totoong problema niya ang kailangan niya. She wanted to fall in love when she’s ready. When she’s finally happy and satisfied about herself. Hindi nga lamang niya matanggihan si Louise. Dahil malaki rin naman ang utang na loob niya rito ay hinahayaan na lang niya ang kaibigan na ipa-blind date siya sa mga kakilala nito. Iyon nga lamang ay napapadalas ang mga ini-schedule nitong blind dates nitong nakaraan. Katwiran nito, pwede siyang tulungan ng magiging rich boyfriend niya sa pinansiyal na pangangailangan niya. But the last guy she met na ipina-blind date din nito sa kaniya ay siya pa ang pinagbayad sa buong bill nila sa kanilang dinner! She didn’t even eat anything but a single bite from the weird Sudanese food that they had that night! So, how was that helpful to her? She was actually still fuming at that man! ““I’m really sorry, Lou. Hindi ako sigurado this time, e. Buong araw akong maghahanap ng trabaho ngayon,”” tanggi niya. Napasinghal si Louise. ““Kailan ka ba hindi naging busy?”” Isang mamahaling kotse ang dumaan sa kabilang lane ng private road at nilampasan ang taxing sinasakyan ni Nathalia. Maya-maya pa ay biglang may lumipad na papel papasok sa nakabukas na bintana ng taxi. Halos mapatalon pa sa gulat si Nathalia nang dumapo iyon sa kandungan niya. What the—? Nagtaka rin naman ang driver. ““Okay lang kayo ma’am? May nagtapon po ba sa inyo niyan?”” She slowly shook her head habang binabasa ang nakasulat sa papel. ““Mukhang hindi po sinasadyang itapon ‘to. Parang drawing ng bata.”” ““Naku! Nilipad lang ho siguro. Galing siguro yan sa mga nag-aaral sa private international school na malapit ho dito.”” Hindi na pinansin ni Nathalia ang iba pang sinabi ng driver. She scrunched her forehead. Wanted, nanny? Isinulat gamit ang crayons ang mensahe, may karugtong pa sa baba—‘Call our daddy’s number!’ at isang phone number. Makulay ay punum-puno ng iba’t-ibang hugis at drawing ang buong pahina. It was so obvious that a toddler did it. Galing marahil iyon sa kotseng dumaan kanina. Lumingon siya at sumilip sa windshield sa likod ng taxi. Hindi na niya makita ang sasakyan. Nakaliko na siguro ito sa intersection. She wondered if the message was true. This is a potential job, naisip niya. Itinupi at itinabi niya ang papel. ““Hello!? Nathalia?”” Natarantang ibinalik niya ang cellphone sa tainga. Nasa kabilang linya pa rin pala si Louise. ““Hey. Sorry, Lou,”” sabi niya. Louise audibly exhaled through her nose. ““Hay naku! O, siya. Hindi na muna kita kukulitin sa date ngayon dahil mukhang wala ka talaga sa mood. Pero sa susunod hindi ka na tatanggi, ha?”” Para hindi na lalong humaba ang usapan ay um-oo na lamang siya sa kaibigan. Nang maibaba ang tawag ay kaagad na inabot ni Nathalia sa driver ang bayad niya sa meter fare. Inayos niya ang damit nang makalabas ng taxi saka umakyat sa hagdan papunta sa revolutionary door sa entrance ng building. Nakangiti siyang lumapit sa receptionist at c-in-onfirm ang appointment niya sa Hibiscus, hoping she would leave the place with good news.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD