Chapter One | The Beginning

1683 Words
Chapter One | The Beginning LEONARD Palmer peeked inside the room of his twin children, Collin and Corrine, nang mapa-daan siya sa tapat ng silid ng mga ito at marinig ang mahinang pagtatalo ng dalawa. He found his two five year olds in their school uniform, fighting and pulling apart a green sock. Iiling-iling siyang napabuntonghininga. Lately, he had been witnessing so many scenes like this every morning mula nang magpaalam ang dating nanny ng mga anak niya pagkatapos nitong magsilbi sa nakalipas na limang taon. Nagkasakit daw kasi ang mga magulang nito kaya kailangang umuwi kaagad sa probinsiya para may makasama ang mga matatanda habang ang isa naman nitong kapatid ang tutulak pa-abroad para mag-trabaho. Leo sometimes wonders how the nanny keep up with his kids. Their so full of energy. Kahit halos isang linggo pa lang mula nang lumuwas pabalik ng probinsiya ang nanny ng mga anak niya, pakiramdam niya ay ilang buwan na siyang nag-aalaga sa mga ito. Mayroon naman silang tatlong kasambahay, isang hardinero, at driver, pero mahigpit ang rules ni Leo sa mga staff na nagtatrabaho sa bahay nila—only the nanny can take care of the twins. He cares so much about his two troublemakers and did not want so many people getting in charge. At dahil nasa proseso pa rin siya ng paghahanap ng bagong kapalit ng nanny ng mga anak niya ay siya ngayon ang nag-aasikaso sa mga ito. Ibinaba niya ang cellphone na nakapatong sa tainga niya kahit na nag-ri-ring pa lang naman ang kabilang linya. Tatawagan sana niya ang manager ng Makati branch ng Accenco, ang pharmaceutical company na pinamamahalaan niya, upang tanungin ito tungkol sa inventory report na na-receive niya kagabi. Their newly launched medicine was not performing as well as he hoped. Gusto niyang marinig ang feedback mula sa mga managers niya. But seeing as how his kids have problems that seemed more urgent than his work call, ipinagpaliban na lamang muna niya ang tawag. Lumapit siya sa dalawang bata at patingkayad na umupo sa tapat ng mga ito. ““What’s going on here?”” Corrine stopped pulling and it almost knocked Collin to the floor kung hindi kaagad nasalo ng ama. She has always been his drama princess, always using her easily manipulated tear ducts to get what she wants. ““Daddy, I want to wear the green socks!”” Reklamo nito, habang pasinghot-singhot. Lumaking sanay sa pagsasalita ng lengguwaheng Ingles ang mga anak niya. Nagsasalita din naman ng Tagalog ang mga ito pero bibihira lang at kung minsan ay may halong Ingles pa. Sometimes he thinks, if his late wife Violet had been alive, baka nga pati ang nakagisnan nitong lengguwaheng German ay itinuro rin sa mga bata. Leo sighed and darted his eyes at Collin na kaagad itinago sa likod ang hawak na medyas. ““Collin. Are you keeping your sister’s socks? What did I say about taking things that aren’t yours?”” Napasimangot si Collin. ““That it’s bad.”” Tumango-tango si Leo. ““Yes. So why are you taking Corrine’s socks and making her cry?”” Malumanay niyang tanong. ““I didn’t!”” Bulalas nito. ““This is mine!”” ““No, it’s not, daddy! Tita Aria gave it to me!”” Sagot naman ni Corrine. ““No! She gave you the blue socks. These green socks are mine!”” Collin retorted. ““Alright, alright.”” Leo gently pulled his kids to sit on his lap. ““`Di ba, sinabi ko’ng ayokong nag-aaway kayong dalawa? If you go to school like this, I will tell your teachers to make both of you stand in the corner. Do you want that?”” Kaagad natahimik ang dalawa sa sinabi niya. Standing in the corner is a petty punishment the teachers in the international school his kids attend use to scare the students when they are misbehaving. Kapag kasi naparusahan na tumayo sa corner ng classroom ang isang estudyante, they will not get any more very good star stamps for the rest of the school year. Those stamps are what the children look forward to everyday. It means they are doing well in school and no kid wants to lose that privilege. ““Well, do we want that?”” Leo asked again. Marahang umiling ang dalawang bata. Leo smiled, rubbing his children’s backs. ““Okay. So, what do we say to each other now?”” ““I’m sorry, Collin,”” mahinang sabi ni Corrine. ““I’m sorry, too.”” Bumaba sa kandungan niya ang mga ito, at nagyakap. Corrine wiped her face and smiled at him. ““We’re okay now, dad.”” Marahang pinisil ni Leo ang pisngi ng anak. ““Very good. Go downstairs for breakfast.”” Sabay na sumigaw ng, ““Yay!”” ang dalawa saka naghabulan palabas ng silid at pababa ng hagdan. ““Hey, be careful down the stairs,”” tawag niya, pero naghagikgikan lang ang kambal bilang tugon. Iiling-iling na lumabas na ng kwarto si Leo, following his twins to the kitchen. ““DADDY, look! Tita Aria is here!”” Masayang anunsiyo ni Corrine habang hawak ang isang tinidor na may nakatusok na sausage nang makita siyang papasok sa komedor. Binati si Leo ng good morning ng mga kasambahay na naghahain ng almusal sa dining room nang makita siya. Binati rin niya ang mga ito bago umupo sa pwesto niya sa dulo ng mahabang dining table. ““Are you giving your Tita Aria a hard time so early in the morning?”” Tanong niya. His childhood best friend, Aria, was sitting between his children, nilalagyan nito ng pagkain ang plato ng mga anak niya. Hiniwa rin sa maliliit ang sausage na ipinakuha ni Collin. Aria just shook her head. ““No, they are not. Ang babait kaya ng dalawang `to.”” The twins giggled, happy to be complimented. Mahinang napatawa na lamang si Leo sa reaksiyon ng mga anak. ““Don’t you have a meeting this morning, Leo?”” Pagkuwan ay tanong ni Aria. Nagsalin ito ng orange juice sa isang baso at inilapag sa tabi ng plato ni Corrine. Leo looked at his daughter. ““What do you tell Tita Aria, Corrine?”” Corrine looked up at Aria and sheepishly said, ““Thank you, Tita Aria.”” He smiled, pagkatapos ay binalingan na si Aria. ““Yes, but I’m going to ask you to move it to this afternoon.”” Kumunot ang noo ni Aria. Kinuha nito ang cellphone na nasa mesa. ““Really? Why?”” ““I have to drop by Accenco Makati this morning about the inventory report. I need to talk to Rick,”” sagot niya, ang tinutukoy ay ang manager ng Makati branch ng Accenco. ““Okay, I’ll have your schedule changed.”” May mga pinindot sa screen si Aria bago ibinaba muli sa mesa ang mobile phone. ““Ngayon ka na ba didiretso sa Makati?”” ““I’ll drop off these two to school first.”” ““Yehey!”” Sabay na napasigaw ang kambal sa narinig na sinabi ng ama. Pagkatapos mag-agahan ay tinulungan ni Aria sina Collin at Corrine na ayusin ang gamit ng mga ito sa school, habang ipinapahanda naman ni Leo ang kotse. May nakita sa ilalim ng kama si Collin, isang crayon set. ““Look what I found!”” Napatingin si Aria at Corrine sa direksyon ni Collin. Corrine gasped. ““Oh, crayons! Let’s take that to school! I’ll draw some pictures later,”” sabi nito. ““Do you want me to put it in your bag?”” Tanong ni Aria kay Collin. Tumango naman ito. Hawak ni Aria ang kamay ni Corrine at Collin palabas ng gate kung saan naghihintay si Leo sa loob ng sasakyan. NATHALIA SUAREZ uncapped the red marker on her right hand using her teeth habang hindi inaalis ang tingin sa dyaryong hawak. Mabilis na in-scan ng mga mata niya ang job opening ad sa malaking pahina ng papel, circling the suitable jobs for her as she goes. Hindi niya alintana ang siksikang pasahero sa MRT. Her goal today was to finally be employed. So, she needs to maximize her resources, and find as many potential jobs as she could find. Ilang buwan na rin simula nang mawalan siya ng trabaho dahil sa pagsasara ng cosmetics store na pinapasukan niya bilang isang sales representative. Fine arts major siya sa college kaya nahihirapan talaga siyang makahanap ng trabahong magma-match sa naging kurso niya sa kolehiyo. At dahil wala naman siyang malaking savings ay nagkukumahog siya ngayon na makahanap ng bagong trabaho dahil tuwing buwan ay may binabayaran siyang apartment rent at utility bills. Today, she was out to hunt for jobs the whole day. Kahit ano’ng kaya niya. Ang importante ay makapagsimula kaagad siya. Nang huminto ang train sa station na bababaan niya ay nakipagsiksikan si Nathalia sa mga pasaherong palabas din ng MRT. She rolled the newspaper under her arm, rushed up the stairs and walked out of the station papunta sa pedestrian kung saan siya mag-aabang ng taxi papunta sa building kung saan naroon ang recruitment office ng Hibiscus—isang bagong cosmetics company na balak niyang apply-an. Alas nueve ng umaga ang oras ng initial interview na naka-schedule sa kaniya. Pasado alas otso kinse na. She wanted to be at least half an hour early. That should make a good impression on her. Nang makarating sa pila ng taxi ay kaagad naman siyang nakasakay. Sinabi niya sa driver ang pangalan ng building na pupuntahan saka umupo sa backseat ng sasakyan. Nathalia sighed and secretly peeked inside her wallet. Her money should be enough at least until the end of the month. Anuman ang mangyari kailangang umuwi siya sa apartment niya ngayong araw nang may bagong trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD