Chapter 1

2299 Words
MAS MAAGA PA sa tunog ng kanyang alarm clock na nagising si Claudette. Bago pa man mag-ingay ang alarm ay agad na niya itong pinatay. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kamang kinahihigaan, sa takot na baka magising niya ang natutulog pang anak. Nang matagumpay siyang nakaalis sa kama ay muli niyang iniayos ang kumot para makumutan ng maayos ang anak. Habang naglalakad papasok sa bathroom ng kwarto ay itinatali niya ang buhok sa isang messy-bun na ayos sa gayon ay agad niyang maghilamusan ang kanyang mukha. It took her an ample of minutes to finished before going out. Dahil ngayon ang huling araw ng kanyang anak sa kindergarten ay ipinangako niya sa anak na siya ang magluluto ng almusal nito. That is why Claudette woke up earlier than she usually does, just to make sure that she had enough time to cook for their breakfast. “Good morning, Madame Claudette.” Nakangiting tinanguan ni Claudette ang dalawa niyang cook na maagang nagising, hindi para magluto ng kanilang breakfast, kung ’di para linisin at ihanda ang kusina gaya ng iniutos niya rito kahapon. “I will borrow the kitchen, Manang Kumeng,” nakangiting biro pa ni Claudette. Napangiti naman lalo si Claudette nang maglakad papunta sa kanya ang sampung-taong gulang na apo ni Manang Kumeng na si Lyn, hawak ang hindi pa gamit na apron. And as a sweet child as she is, Lyn helped her put on the apron for her. “Thank you, Lyn,” pasasalamat ni Claudette nang matapos isuot nito ang apron sa kanya. Ginulo niya pa nang bahagya ang buhok ng bata. Imbes naman na mainis ito ay tuwang-tuwa pa itong napangiti nang matamis sa kanya. Obviously, the kid always loves it when the kind and beautiful madame praised her. “Naihanda na po namin lahat ng kailangan n’yo po, Madame Claudette. Nahugasan na rin po namin ang mga ingredients na gagamitin n’yo.” Itinuro naman ni Manang Kumeng ang mga nakahandang sangkap sa countertop. Dahil sa liwanag ng ilaw ay parang kumikinang pa ang mga gulay kapag nasisinagan ng ilaw. They also looked so fresh from where Claudette was standing because of the vibrant color of the vegetables. “Mukhang marami na naman pong makakain si Young Master Claudio dahil ang Young Madame ang magluluto!” masayang ani Lyn na sinundan naman ng tango ni Manang Kumeng. Napatawa lang naman si Claudette at naglakad papalapit sa mga nakahandang ingredients niya. She put the knife and cutting board in front of her while the bowls where she would put the cut ingredients were being set within her reach. “Maiiwan na ho namin kayo, Madame Claudette. Iwanan n’yo na lang po ang mga pinaggamitan n’yo at kami na lang ni Lyn ang bahalang magligpit pagkatapos.” Hinila na ni Manang Kumeng ang apo papaalis bago pa ito makapalag. Kilala niya kasi ang apo at paniguradong balak pa nitong panoorin ang iniidolo nitong si Claudette sa gagawin nitong pagluluto. Nang mapag-isa ay agad na nagsimula si Claudette sa paghihiwa. Inuna niya na muna ang mga gulay na hiwain at ilang rekados. Pagkatapos ay isinunod naman niyang hiwain ang mga karneng gagamitin niya. Kumuha muna siya ng panibagong sangkalan at kutsilyo para doon. Kung iisa-isahin ang proseso ng pagluluto niya ay aabutin pa ng s’yam-s’yam kaya bilang shortcut ay halos mahigit isang oras din ang inabot bago magawang lutuin ni Claudette ang lahat. Naghalo-halo na ang masasarap na amoy sa loob ng malaking kusina. Kahit sino ang makaaamoy niyon ay siguradong makararamdam ng gutom. Inaalis na ni Claudette ang apron sa katawan nang pumasok ulit ang mag-lola sa loob ng kusina. “Wow! Ang bango!” Lyn exclaimed while sniffing nonstop. “Kami na ang maglalagay nito sa hapag-kainan, Madame Claudette. Magpahinga muna kayo at gisingin na ang Young Master para kumain. H’wag munang maliligo at baka kayo’y mapasma,” paalala ni Manang Kumeng sabay marahang tinulak palabas kay Claudette. Natatawang napatango na lang si Claudette at lumabas na nga ng kusina. Umakyat muna siya sa kuwarto nila ng anak para ihanda ang mga susuotin mamaya pagkaligo. After preparing things, Claudette returned to the bed to wake her sleeping son. Gumapang si Claudette sa kama habang dahan-dahang iniaalis ang pagkakasapin ng kumot sa katawan ng anak. Maingat na nilapitan niya ito at may ngiti na bigla na lang ibinagsak ang sarili sa ibabaw ng anak, with her hand supporting her weight on the side so that she won’t fall on top of her young child. Payakap na iniangat ni Claudette ang anak na mahinang napaungot dahil sa biglaang pang-iistorbo sa tulog. The long eye lashes trembled before it slowly opened. “Good morning, little handsome,” ngiting-ngiting bati ni Claudette sa pupungas-pungas na si Claudio. “M-Morning, Mommy,” kusot-kusot ang mga mata nang bumati si Claudio sa ina. Imbes na mainis o magalit ang bata dahil sa pang-iistorbo sa kanya nito ay malambing pa itong napayakap kay Claudette. “Gising na ang baby ko na ’yan? I made your favorite breakfast. Hindi na masarap ’yon kapag lumamig na,” malambing din namang sabi ni Claudette sa anak at niyakap ito pabalik. Pero agad rin namang kumalas ang anak sa yakap at parang bigla na lang nawala ang antok dahil sa tuwang-tuwa itong napaangat ng tingin sa kanya. Kung hindi lang dahil sa namumula pa nitong mga mata dahil sa kakukusot at sa gulo-gulong buhok ay hindi ito mapagkakamalang kagigising lang. “Really, Mommy? You cooked breakfast for me?” puno ng pananabik na tanong ni Claudio sa kanyang ina. Nakangiting hinawakan din ni Claudette sa magkabilang pisngi ang anak at pinanggigilan iyon sa tuwa. “Yes po. So if you don’t want to make the food wait, you better wash your face now.” Karga ang anak ay tumayo si Claudette mula sa kama. Claudio wrapped his little arms around Claudette’s neck as he childishly giggled. Pabirong pinalo naman ni Claudette ang pang-upo ng anak habang naglalakad papasok sa pambatang bathroom. Katulad ng nakasanayan ay tinulungan ni Claudette na maghilamos ang anak. Pagkatapos ay magkahawak-kamay na naglakad ang dalawa papunta sa dining hall na masyadong malaki para sa kanilang mag-ina. Malaki man ang mansyon na tinitirhan nila kahit pa nga silang mag-ina lang ang nakatira ay hindi naman naging hadlang iyon sa dalawa para masabing iba pa rin sila kumpara sa mayaman, malaki at kompletong pamilya. Kumpara sa mga nabanggit ay mas ‘homey’ pa ang pakiramdam ng mansyon nila na binubuo lang naman nilang dalawa. At iyon ay dahil sa pagsisikap ni Claudette na maging isang mabuti at huwarang magulang sa kanyang anak. Na siyang ipinagmamalki at ipinagpapasalamat niya. Tanging si Claudette na lang kasi at ang anak nitong si Claudio ang naninirahan sa mansyon na iyon ng mga Bernabe, ang apelyido ng kanyang nanay. Kahit naman kasi gamit ni Claudette ang apelyido ng kanyang amang si Albie Guillermo, si Claudette naman ang namamahala sa kompanya at ari-arian ng kanyang inang si Claudia Bernabe-Romero, bilang nag-iisang tagapagmana ng mga Bernabe. Para paiksiin ang kuwento at hindi maging komplikado—hiwalay na ang mga magulang ni Claudette. Maliban sa hiwalay na ang mga ito’y mayroon na rin silang sari-sariling pamilya. Pero hindi siya anak sa labas ng mga ito. Ang problema’y ikinasal ang dalawa sa kabila ng pagkakaroon na ng mga ito ng sariling anak at itinuturing na pamilya. Ang alam lang ni Claudette ay para makuha ng kanyang ama ang mana ay kailangan nitong ikasal sa nag-iisang anak na babae ng mga Bernabe. Samantalang ang sabi naman sa ina ni Claudette, na kung gusto ng kanyang ina na hayaan ito sa lalaking iniibig ay kailangan niyang magkaroon ng anak na magmamana sa mga ari-arian ng Bernabe na mula sa mga Guillermo. At doon na nga siya nabuo. Matapos niyang mag-edad otso, kung saan namatay na rin lahat ng kanyang mga Lolo at Lola, ay tuluyan na ngang naghiwalay ang mga magulang niya at sumama na sa mga nauna nitong pamilya. Hindi maipagkakaila na hinintay lang talaga ng mga ito na mawala ang mga sariling magulang na siyang pumipigil sa kanila para maikasal sa tunay nilang mahal. Bata pa lang ay alam na ni Claudette ang tungkol doon. Hindi man sinabi sa kanya ng mga magulang, pero hindi naman siya manhid o bob* para hindi mapagtanto ang katotohanan. Kaya naman lumaki na talaga sa mansyong iyon si Claudette. Lumaki siyang mag-isa at walang kasa-kasamang magulang. Kahit pa man nang nagsasama pa ang mga magulang ay pareho namang wala ang mga ito. Samantalang ang mga lolo at lola niya ay may kanya-kanya ring pinagkakaabalahan. Noon namang maghiwalay ang mga magulang ay pareho siya nitong inaya na sumama sa kanila pero tinanggihan niya ang dalawa. Mas gugustuhin niya na lang na mapag-isa kasama ang mga nagpalaki talaga sa kanya, kaysa makasama ang dahilan kung bakit siya nag-iisa at kung bakit kailangan niyang maranasan ang magkaroon ng magkahiwalay na pamilya. She wasn’t blaming anyone though. She just felt disappointed with her parents, but she doesn’t blame them, nor their family or her grandparents. Sinisi na lang niya ang tadhana kung bakit binuo pa siya sa ganoong kakomplikadong sitwasyon. Fortunately, this incident also teaches Claudette a lesson. Kaya naman kahit gaano pa kapangit ang naging experience niya sa mansyon na ito, para sa kanya, ang mansyon na ito lang ang masasandalan niya. Syempre’y kasama na roon ang anak niyang si Claudio Miguel—ang tanging pamilyang tanggap at maipagmamalaki ni Claudette. Dahil na rin siguro sa naging karanasan ni Claudette sa mga magulang nito ay nagkaroon siya ng takot. She was afraid that her future family might end up like hers. Na baka pati ang magiging anak niya ay maranasan ang naranasan niya. So her solution is that, she won’t marry any man. Ayaw naman niyang mag-ampon dahil para sa kanya ay hindi niya iyon sariling anak. Kaya naman noong makita niyang stable na ang kompanya ay naisipan niyang pumunta sa ibang bansa para sumailalim sa isang artificial insemination. Fortunately, before she could go abroad, the biggest hospital in the country announced that they were also open about this type of surgery. So even if she wasn’t sure about how legit and safe the procedure might be, she still tried it. Kahit naman papaano ay gusto ni Claudette na pinoy din ang magiging anak niya kaya mas pinili pa rin niyang gawin ang surgery sa Pilipinas gamit ang isa sa sperm donation na binili niya. And here it goes, her very handsome and cute son, Claudio Miguel. Hindi malaman ni Claudette kung sinuwerte lang talaga siya dahil kahit na hindi niya gaanong kamukha ang anak, mukha namang may itsura ang pinagmulan ng anak niya. Unlike her long and curly black hair, black obsidian eyes, and slightly pouty lips, her son Claudio has his dark brown curly hair, hazel brown eyes, and a small pink lips. Hindi niya kasi talaga ito kamukha sa unang tingin, kahit pa nga pagtabihin pa silang mag-ina. If it wasn’t that the child followed after her attitude, personality, character, and even some mannerisms, matagal na niyang pina-check kung tama ba siya ng nakuhang bata. Hindi rin kasi niya makitaan ng pagkakahawig ang anak sa profile ng donor na pinanggalingan ng sperm. “Wow, so many foods! And it’s all my favorite!” Nabalik sa kasalukuyan si Claudette nang maramdaman ang mabilis na pagkakahiwalay ng kamay na nakahawak sa kanya. Paglingon nga ni Claudette ay nakita niya ang masayang anak na nauna nang umupo sa upuan nito sa lamesa. Feeling helpless, Claudette walked faster towards the table. Bago umupo ay nilagyan niya muna ng pagkain ang plato ng anak. Matapos malagyan ng mga paboritong ulam ang plato nito ay saka lang siya naupo at nagsandok na rin ng pagkain sa sariling plato. “Slow down, little guy. Wala namang mang-aagaw sa ’yo,” natatawang suway ni Claudette nang makita ang sunod-sunod na pagsubo ng anak. At dahil sa puno ang bibig ay hindi na nakasagot pa si Claudio at napatingin na lang sa kanyang ina, pilit na inginingiti ang punong-punong bibig. Naningkit tuloy ang bilugan nitong mga mata na namana niya sa kanyang ina. Claudette laughed at her cute son. Bago pa tuluyang mabulunan ang anak ay inabutan na niya ito ng tubig para makainom. Claudio accepts the water from her mother and drink it slowly. Matapos niyon ay nakangiting hinarap niya ang ina na nakangiti rin naman sa kanya. “It’s really delicious po kasi, Mommy. I can’t stop myself from spooning,” Claudio explained while looking at his mother. Hindi naman na pinagsabihan pa ni Claudette ang anak at sa halip ay kinuha niya ang table napkin at pinunasan ang gilid ng labi ni Claudio. Ngiting-ngiti naman si Claudio na hinayaan ang ina na i-baby siya nito. “It’s okay. Kain lang nang kain. After that, we will go bath together, okay? Baka ma-late ka pa sa school,” paalala ni Claudette. Tango lang ang isinagot ni Claudio at nagsimula na nga ulit kumain. Kumain na rin si Claudette. Matapos niyon ay bumalik ang dalawa sa kuwarto para maligo. Pinaupo muna ni Claudette ang anak sa kama habang hinahanda niya ang susuotin nila. Nang matapos ay saka lang niya isinama sa bathroom ang anak at sabay na naligo. After half an hour of bathing, Claudette helps her son wear his uniform before she also wears her clothes. Since the kindergarten school of Claudio is on the way to the company and the village they live in is not far from it, the ride did not last long. “Bye, Mommy! See you later!” masayang paalam ni Claudio sabay labas ng kotse. “See you later, little handsome!” Pinanood muna ni Claudette na tuluyang makapasok ang anak sa school gate bago nagmaneho paalis papunta sa kompanya na kanyang pagmamay-ari. to be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD