Chapter 2

2270 Words
ISANG KATOK ang pumukaw kay Claudette mula sa pagbabasa ng mga papeles na nasa harapan niya. Dahil sa paparating na paglabas ng mga bagong produkto nila ay sunod-sunod na nagpasa ng mga proposal ang bawat departamento para sa gagawin nilang press release. “Come in,” ani Claudette na hindi inaalis ang mga mata sa papel na hawak. Ilang segundo ring natahimik ang lugar at tanging tunog lang ng airconditioner at bawat lipat niya sa papel na hawak ang maririnig sa opisina. “Miss, it’s about time to fetch the Young Master Claudio,” paalala ni Gina, ang sekretarya ni Claudette. Dahil sa paalalang iyon ni Gina ay nanlaki ang mga mata ni Claudette na nabitawan ang mga papel na hawak niya. Tarantang hinanap niya ang selpon na nasa lamesa pati na ang susi ng kotse niya. Nang makita ang mga ito ay agad na umalis si Claudette sa harap ng lamesa at kinuha ang hinubad na blazer na nakapatong sa sandalan ng inupuang swivel chair. “Thank you so much, Gina. I'm sorry to ask you this again but please take care of the office.” Hindi na nahintay pa ni Claudette ang sasabihin ng sekretarya at nagmamadaling naglakad papalabas ng kanyang opisina. Halos liparin na rin niya ang daan papuntang elevator sa sobrang pagmamadali. Hindi kasi sanay si Claudette na natatambakan siya ng trabaho kaya nakasanayan na niyang tapusin ang mga iyon nang mabilisan dahilan para hindi niya mamalayan ang oras. Kung hindi pa dahil sa laging paalala sa kanya ni Gina, na anim na taon nang nagtatrabaho bilang kanyang sekretarya kahit bago pa man siya maging CEO, ay baka ilang beses na niyang nakalimutan ang ilang bagay na kailangan niyang gawin maliban sa mga papeles na hawak. It’s maybe because of the fact that she grew up doing things one at a time with seriousness and diligence—that's what she prefers to calls it than being called a workaholic. Sa kadahilanang para sa kanya ay pangmatanda lang ang term na iyon. Nang makasakay sa elevator ay mabilis na inayos ni Claudette ang sarili. Inayos niya muna ang damit bago isinuot ulit ang blazer. Tapos ay inayos naman niya ang buhok niya na medyo magulo na. Tinitigan niya rin ang mukha sa harap ng kanyang selpon at binuksan ang front cam para doon manalamin. When everything’s okay, the elevator door also opened. And unlike her frantic actions before coming to the elevator, medyo maayos na ang itsura at paglalakad ni Claudette paglabas. And since she never parked her car on the parking lot at this time, diretso sa lobby ang baba niya at doon din lumabas. Naghihintay naman sa tapat ng kompanya ang kotse niya. Kaya paglabas niya ay agad na bumungad sa kanya ang driver at ang kotse. And yes, it was also her secretary, Gina, who called the driver to prepare the car. “Good afternoon, Miss Claudette,” magalang na bati ng driver na si Manong Jun—private driver na niya mula pagkabata. “Good afternoon din po, Manong Jun. Ako na po ang bahala sa kotse. Here’s the money for the taxi, Manong Jun.” Sa halip na kuhanin ang perang iniaabot ni Claudette ay natatawang nag-iiling lang na binuksan ni Manong Jun ang pinto ng driver’s seat. “Kahit 'wag na, Miss Claudette,” ani pa nito. Isang ngiti ang iginanti ni Claudette at sumakay na sa sasakyan. May extra na susi rin kasi si Manong Jun sa bawat kotseng mayroon si Claudette para paniguro na rin dahil nga sa medyo makalilimutin talaga ito. Nang makasakay sa kotse ay agad na pinaandar ni Claudette ang makina. Kumaway muna siya bilang paalam kay Manong Jun at saka nagmaneho papunta sa kindergarten na pinapasukan ni Claudio. Dahil malapit na ang graduation ng anak ay practice na lang para sa kanilang graduation ang dahilan ng pagpasok ni Claudio. Kaya hindi na umaabot ng buong maghapon ang pananatili nito sa paaralan. Mula na lang iyon sa umaga hanggang alas dose ng tanghali. Hindi tulad noon na umaabot pa nga ng alas sais ng gabi. Kaya naman magsimula ngayon ay susunduin ni Claudette ang anak sa paaralan para sabay silang magtanghalian bago niya ulit ihahatid ang anak sa bahay, samantalang siya naman ay babalik sa kompanya para ipagpatuloy ang ginagawang trabaho. Hindi naman nagtagal ay narating rin ni Claudette ang kindergarten na pinapasukan ng anak. Sa mismong tapat lang siya ng school nag-park dahil sigurado siyang punuan na ang parking lot ng paaralan. Saktong uwian na kasi at dahil halos lahat naman ng nag-aaral sa kindergarten na ito ay puro anak-mayaman kaya hindi na imposibleng mapuno ang parking lot ng sasakyan. Saktong pagdating ni Claudette ay ang pagbukas din ng gate ng school kung saan masayang nagsisitakbuhan ang mga chikiting na sinalubong naman ng mga magulang nila o mga yaya. Walang pagmamadaling lumabas ng kotse si Claudette dahil alam niyang pahuhuli ang anak lumabas. Katulad niya’y hindi rin mahilig sa maraming tao si Claudio kaya naman sigurado siyang lalabas lang ang anak kapag kakaunti na lang ang mga bata sa paligid. So when she saw that the children who came out is a lot fewer from the first batch, doon lang siya lumabas ng kanyang kotse at naglakad papuntang gate para abangan ang paglabas ng anak. “Mommy!” Isang malusog at bibong Claudio ang naabutan ni Claudette na masayang tumatakbo papunta kay Claudette. Napatawa naman sa bigla si Claudette nang bigla na lang siyang dambahin ng yakap ng anak. Mabuti na lang at sanay na siya sa ganitong bungad sa kanya nito dahil kung hindi ay baka kanina pa sila natumba. “Good afternoon po, Tita Claudette!” Nakangiting dinungaw naman ni Claudette pababa ang batang bumati na kasing-edad at laki ng kanyang anak. “Oh, hello there, Little Alvie.” Tapos ay inilibot ni Claudette ang tingin sa paligid. “Is it your yaya who fetch you again?” takang tanong ni Claudette sa bata nang hindi matanawan ang mga magulang ng bata at tanging ang yaya lang nito ang kasama. “Yes po. Busy po pareho sina Mama at Papa kaya si Ate Nikki ulit ang nagsundo sa akin,” ngiting-ngiti pa ring sagot ni Alvie. “Oh, okay. Do you want to go with us today too, Alvie?” aya ni Claudette habang naglalakad naman sila palapit sa sasakyan ng pamangkin. Anak kasi ng step-brother niya sa mother’s side ang bata kaya naman kilala niya ito. Maliban sa ka-edaran lang ng anak niya ang pamangkin ay malapit din siya sa bata dahil sa ka-sweet-an nito. “No need na po, Tita Claudette. Momma is waiting for me at home.” Maliit ang ngiting tumango na lang si Claudette at hindi na namilit pa. “Bye-bye, Alvie!” paalam ni Claudio sa nakasakay na ng kotseng si Alvie. “Bye-bye, Claudio!” paalam din ni Alvie at tuluyan na ngang umandar paalis ang kotse. Nagkatingan muna ang mag-ina bago parehong napangiti nang malawak at tumalikod para pumunta naman sa kanilang sasakyan. Pero anong gulat nilang pareho nang bigla huminto ang isang sasakyan sa harapan nilang dalawa at bumukas ang passenger seat sa tapat nila. Nagtatakang pinanood naman ng mag-ina ang paglabas ng isang lalaki na pormal ang ayos dahil sa halos all black na suot nito maliban sa panloob nitong white polo at black and white stripes na necktie. At dahil hindi naman kalayuan sa kanila ang hinintuan ng kotse inilang hakbang lang ng lalaki ang pagitan nila na nakuha pang luwagan ang necktie at seryosong tinitigan silang mag-ina. Tiningnan muna nito si Claudette nang seryoso bago ibinaba ang tingin kay Claudio na kuryoso namang nakatingala sa lalaki. Hindi malaman ni Claudette kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng kaba nang makita ang titigan ng dalawa kaya naman wala sa sariling napahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng anak. “Mister?” Claudette called out, earning the man’s attention. “Are you looking for your child? I think there would be waiting inside. You can just come in to ask the teachers.” Pilit na nginitian pa ni Claudette ang lalaki sabay karga kay Claudio na nagtatakang napatingin sa kanya. “Yeah, I’m here for my son.” Para namang mabibilaukan si Claudette nang marinig ang napakalalim na boses na iyon ng lalaki. It was like a voice that came underground—deep and husky, with a very strong timbre that could make any women felt weak on their knees. Para bang nasa ilalim ng lupa ang nagsalita at talaga namang kikilabutan ka ng wala sa oras. Pero hindi iyon ’yong kilabot na matatakot ka. Hindi iyong nakakatakot na‘kilabot’ kung ’di iyong makapanindig-balahibong uri ng kilabot. Idagdag mo pa nga ang hindi matatawarang kagwapuhan ng lalaki na hindi niya maitatanggi. Kahit sinong babae ang makahaharap ng lalaki at maririnig ang boses nito ay talaga namang panghihinaan ng tuhod. Fortunately for Claudette, it wasn’t the first time she heard nor saw men with those intoxicating features. Maliban sa mga step-brothers niya at sa ilang company models nila ay pahuhuli ba ang kanyang best friend na medyo nalamangan lang yata ng ilang paligo ng lalaking nasa harapan niya ngayon. “I’m sorry, Zian, but I really find this man more attractive than you,” wika niya sa isipan dahil sigurado siya na kapag narinig ng kaibigan ang sinabi niya’y baka ignorahin siya nito ng ilang buwan. Daig pa kasi ang bata kung magtampo ang kaibigan. Naalala pa niya noong unang beses na makumpara niya ang itsura nito sa ilang modelo ng kanilang kompanya kung saan OA sa pag-react ang lalaki. Hindi talaga siya nito pinansin ng tatlong buwan. Gwapo naman talaga ang kaibigan niya. Siya nga ang may titulo na pinaka-gwapong artista ngayon sa Pilipinas at sa Asia na nangunguna pa sa listahan. Pero gaya nga ng sinabi niya sa kaibigan, iba-iba kasi ng tipo ang mga kababaihan. And for Claudette, she find those serious and cold man with some mysterious vibes around them, more attractive, compared to her nice and gentle-looking friend. If some girls find those kind men charming, then for Claudette, the most charming men are those with serious and mature looking face and body, just like the man in front of her. Bago pa man tuluyang malubog sa mga iniisip si Claudette ay naibalik siya sa wisyo niya nang humakbang muli papalapit ang lalaki. Dahil sa kaninang pagtulala niya’y hindi agad siya nakapag-react. Hindi na siya nakaatras pa lalo na nang makita ang seryosong pagtitig sa kanya ng lalaki. “I’m fetching my son,” seryosong ulit nito habang hindi inaalis ang tingin kay Claudette. “Ah, yes I know. I already heard you. As I said, you can go in and ask the teachers for your son.” Automatic naman na napayakap si Claudette sa anak niya dahil sa kakaibang pressure na nagmumula sa lalaki. Her mother's instincts are telling her that Claudio is in danger. And according to the man's actions right now, he's like insinuating something. Pilit na nginitian ni Claudette ang lalaki habang pasimpleng napahakbang papalayo rito. Katulad noong una’y hindi ulit agad ito sumagot at nanatili lang ang tingin sa kanya na mas lalo lang dumagdag sa kaba at sa hindi mawaring takot na nararamdaman niya para sa lalaki. Hindi naman takot na para sa isang masamang tao. Isa iyong takot kung saan pakiramdam ni Claudette ay may balak ang lalaking kuhanin ang pinakamahalaga sa kanya. Thinking that, wala sa isip na naibaba niya ang tingin sa anak na karga-karga at masunuring ibinaon ang maliit na mukha sa kanyang dibdib. “Stop pretending that you don’t know what I'm implying to, Miss Guillermo. I already know you're a wise woman and I know for sure that you’re not a dense type.” Hearing that, the small smile that was on Claudette’s lips disappeared as she looked at the man with seriousness and vigilance. “You investigated me,” Claudette stated vigilantly. “I can sue you for that.” Napakunot ang noo na tinitigan siya ng lalaki. Halatang hindi nagustuhan ang biglaang paglihis ng usapan. “I am not here today to cause some chaos and unnecessary problems, Miss Guillermo. I am here with a pure intention and I know you already grasp the idea of what I am talking about.” Napatayo nang tuwid si Claudette at pinangkitan ng mata ang lalaki. Ang kadalasang malalaki at bilugan niyang mga mata ay bigla na lang lumiit at naningkit dahil sa mga pasaring ng lalaki sa harap niya. “I don’t know who you are, Mister or what’s currently on your mind, but I am telling you this...Claudio is my son. And I have proofs that he’s solely and legally mine,” saad ni Claudette habang binibigyan ng diin ang bawat salita sa huling pangungusap na tinuran. The man didn’t said anything or revoke her. He just stared at Claudette with those measuring eyes. Nang makitang wala naman ng sasabihin ang lalaki ay naglakad sa kabilang daan si Claudette at wala ng balak pang makinig sa kung ano pang sasabihin nito.. Nakailang hakbang pa lang siya nang muli itong nagsalita. “I also have proofs that Claudio is my son.” Parang natuod sa kinatatayuan si Claudette sa narinig. Naguguluhan na dahan-dahang muling humarap sa lalaki na hindi man lang umalis mula sa kaninang kinatatayuan. “If it wouldn’t be a bother, can I invite you, Miss Guillermo, to a restaurant nearby to discuss everything with me? I would love to show you what I mean by proofs. Don’t worry, mine’s also authentic and legal, just like yours.”  to be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD